[CHAPTER 22] ◌●◌ MAHINANG pinag-uuntog ni Francine ang nakabukas at nakasaradong palad. Parang sinisilaban ang pang-upo niya dala ng matinding kaba. Tila bigla ring tumaas ang presyon niya dahil sa masamang tingin ng tatlong binata. Si Chaos naman ay walang pakialam at natutulog lang nang nakaupo sa sofa. Magkasalikop ang braso nito, nakaunat ang dalawang hita sa sofa habang nakalagay ang hood ng itim na jacket sa mga mata upang hindi masilaw ng liwanag na nanggagaling sa ilaw. Gusto niyang umatras pero hindi niya alam kung paano. Bantay-sarado kase siya ng mga ito. Nasa hospital na naman siya ngayon at isang araw daw siyang walang malay matapos ang insidente sa eskinita. Nabigla raw ang katawan niya dahil sa bugbog na natanggap. Sinabi rin ng doktor na wala silang balak na puruha

