CH: 12

2829 Words

  [CHAPTER 12] ◌●◌   MATINDING KATAHIMIKAN ang namamayani sa itaas ng abandunadong gusali kung saan sila naghihintay ng pagsikat ng araw. Tanda kase iyon na kahit anong mangyari ay may panibagong umaga pa ring naghihintay para magkaroon ng bagong pag-asa. Napakalamig dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin ngunit hindi nila iyon alintana. Kontento na silang nakatanaw sa kawalan at tila blangko ang isipan. Nakakatulong din ang mabangong simoy ng hangin upang maging magaan ang pakiramdam nila. Ganito parati ang ginagawa nila sa tuwing may problema ang isa man sa mga kaibigan nila. Sasamahan nila ito kahit pa hindi nagsasabi sa kanila o wala rin silang sinasabi. Sapat na sa kanila ang presensya ng isa’t isa upang maramdamang may kaagapay sila kung sakaling hindi nila kayang harapin iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD