NAPATINGIN SI Ashley kay Jasper nang subukan nito ang machine. Curious din siya sa kung anong ibibigay na sagot ng machine once na sabihin niya lahat ng kinakaharap niya ngayon, kaya nang mapansin niyang busy si Jasper sa machine lumapit siya sa isa pang machine at sumubok din siya. Alam niya ang gagawin dahil pinakinggan din niya ang sinabi ng agent nang ituro ang paggamit ng machine kay Jasper. Habang binabasa ng machine ang mga tanong sa isipan ni Jasper, napatingin siya kay Ashley na nasa harap na rin ng machine at nagpipipindot na rin do’n. Napangiti na lamang siya ng sandaling iyon. Hindi rin nila namamalayan na may kumukuha na pala ng litrato sa kanila. “Ang aking maipapayo sa kinahaharap mo na suliranin tungkol sa isang babaeng dahilan ng ngiti sa labi mo ngayon ay…” nagulat si J

