NAGPUNTA na lang si Ashley sa performing place at naupo sa bakanteng upuan do’n. Nawala ‘yong gutom niya dahil sa inis kay Jasper. Naiinis siya kasi napaka-insensitive nito sa nararamdaman niya. “Nakakainis siya, sobra!” inis na bulong niya. “Anong binubulong mo riyan?” at naupo siya sa tabing upuan niya. “Kumain ka na lang nang kumain do’n, bakit sinundan mo pa ‘ko?” Inis na turan niya kay Jasper. “Narinig ko kasi ‘yong kanta, paborito ko ito kaya pumunta ko rito.” Nakangiti naman niyang sagot sa kanya at saka tumingin sa stage na may vocalist na babae at kompleto ang banda nila. “Ang galing kumanta ng babae.” Nakangiti pa niyang dugtong na wika. Napairap na lang siya at tatayo na nasa nang hawakan ni Jasper ang braso niya. “Saan ka na naman pupunta? Pumirme ka nga, maupo ka rito.” S

