TAHIMIK LANG habang nasa kotse sila, ito ang first time na sabay silang pumasok sa paaralan. Napapaisip pa rin si Ashley kung bakit bigla na lang itong nagbago, oo nando’n pa rin ‘yong pagiging caring nito pero may kakaiba sa kilos nito. Tahimik lang kasi ito mula pa kanina hanggang sa makarating sila sa campus. Nasa waiting shed naman ang mga sossy, nakatambay ang mga ito. Dahil sa naging pustahan nila ni Ashley, pansamantalang tinigilan ni Abigael si Ashley. Hindi muna sila gumawa ng gulò o pagpapahiya kay Ashley. “Anong pinaplano mo? Talaga bang titigilan na natin si Ashley?” taas-kilay na tanong ni Donna sa kanya. “Gusto ko nang bago…” at ngumisi siya. Nagtaka naman ang tatlong sossy sa sinabi niya. “Gusto mo ng ano? bagong kaibigan...” takang tanong ni Daisy. Tumayo naman si Abig

