KAHIT ANONG gawin ni Lexter, hindi talaga naimik si Ashley. Naiinis pa rin kasi siya ‘pag naaalala niya ang nangyari kahapon. Hindi niya nagustuhan na basta na lang nito sinugod si Jasper at nagsuntukan sila. Dahil hindi pa rin pinapansin ni Ashley si Lexter, naisipan ni Lexter na tumayo at lumuhod sa harapan niya. Napa-agaw pansin iyon at umingay ang paligid. “Ash, please patawarin mo na ako?” pagsamong sabi ni Lexter ngunit hindi tumalab kay Ashley, “Tumayo ka riyan.” masungit na utos nito sa kanya. “Tatayo lang ako rito kapag pinatawad mo na ko.” pagpipilit niyang sabi. “Tumayo ka na sabi eh!” mariing sabi naman ni Ashley. “Pinapatawad mo na ba ako?” pagpapa-cute niyang tanong. Alam naman niya na may mali siya dahil naging padalos-dalos ang naging kilos niya. Nawala ang calmness n

