Chapter 9: Awarding Day!

1758 Words
AWARDING DAY, nasa Old Building ang lahat para sa awarding ng mga nanalo sa palaro ng Nutrition Month Event. "Ok students, ngayon ang araw ng pagsasagawa natin ng paggagawad sa mga nagwagi sa patimpalak para sa ating Nutrition Month. Ipinagdiriwang natin ang Nutrition Month upang malaman natin ang kahalagahan ng mga masusustansyang pagkain at sa ganoon ay mapangalagaan din nating ang ating mga kalusugan. Kaya nagsagawa tayo ng mga patimpalak upang ating maipagdiwang ang Nutrition Month. Kaya ngayon araw, tawagin natin si Ma'am Rina para sa pag gawad ng premyo sa mga nanalo sa ating mga palaro." pagkatapos magsalita ni Sir Santos, umakyat na si Ma’am Rina sa stage at dala nito ang sobre kung saan nakalista ang mga pangalan ng studyanteng nanalo sa palaro. "Okay students, here’s the result of our games. Ang nagwagi sa palarong quizbeetiful ay si Abigael Cai." pagka-announce ni Ma’am Rina, nagtinginan sa puwesto ni Abigael ang mga studyante at nagpalakpakan ang mga ito. Napatakip naman sa bibig si Abigael at saka tumayo sa upuan niya. "Abigael... ang galing mo. Ikaw na talaga!" masayang komento ni Daisy. Masaya ang mga kaibigan ni Abigael para sa kanya. Ngumiti naman si Abigael sa mga kaibigan niya at saka dahan-dahang naglakad pa-akyat sa stage at nagpalakpakan ulit ang lahat. Nang nasa stage na si Abigael, lumapit siya sa may hawak ng award na si Ma'am Rina. "Congratulations, Abigael." kasabay ng pagbati ni Ma'am Rina ang pag-abot ng award kay Abigael. Kinuha naman ni Abigael ang award at nag-bow ng bahagya. "Thank you." pagkasabi niya no'n, humarap siya sa mga studyante at itinaas ang award niya. "I got it!" mayabang niyang sabi. Nagpalakpakan ulit ang mga studyante. Pagkatapos niyang ipagyabang ang award niya, bumaba na siya sa stage. Pagkabalik niya sa puwesto niya hinanap ng mga mata niya kung saan nakapuwesto si Jasper at nakita niya itong kasama si Cathy. Napataas ang kilay niya. “Congrats Abi.” sabay-sabay na pagbati naman nina Donna, Daisy at Princess sa kanya. Ngumiti lang si Abigael sa tatlo niyang kaibigan. "In our second game. The winner is Ashley Perez." announce ni Ma’am Rina. Nagpalakpakan din ang lahat. Hindi inasahan ni Ashley na siya ang mananalo, masaya siyang tumayo ng upuan niya at naglakad papunta sa stage. Nang nasa stage na siya, nahagip ng mata niya ang tingin ng mga sossy girl sa kanya. Nakatingin ang mga ito ng masama. Hindi na lang nagpaapekto si Ashley at nakangiting tinanggap ang kanyang award. "Congratulations, Ashley!" kasabay ng pagbati ni Ma'am Rina ang pag-abot ng kamay niya at nag-shake hands sila. Saka inabot ang award na para sa kanya. "Thank you po, ma'am." masayang sagot ni Ashley at medyo niyuko pa niya ang ulo niya bilang paggalang. Pagka-abot niya sa award , humarap din siya sa mga studyante at yumuko ng konti. Pagkatapos no'n, bumaba na siya ng stage. Nagpalakpakan ulit ang lahat. Pabalik na siya sa puwesto niya ng mapadaan siya kung saan nakapuwesto sila Abigael. Ngumisi naman si Abigael sa kanya. “Mukhang nagkamali ang hurado.” mataray na sabi ni Donna. Magdederesto na sana si Ashley ngunit hinawakan ni Abigael ang isa niyang braso, wala namang nakapansin sa kanila dahil maraming studyante at busy ang mga ito kaya sigurado silang hindi mapapansin ang kung anomang gagawin nila. Napahinto si Ashley sa paglakad at napatingin sa kanila. Ngumisi na naman si Abigael at nagpamewang ang tatlo. “Congrats.” wika ni Abigael, napangiti si Ashley dahil sa pagbati sa kanya ni Abigael. Nagtaka naman sila Donna sa sinabi ng kaibigan. “Hindi ba dapat 'yan ang maririnig ko mula sa'yo?” kasabay ng pagkasabi ni Abigael no'n ang pagbabago ng ngiti ni Ashley sa mga labi. Pagkunot ng noo ang sunod na naging reaksyon ni Ashley, at saka tinaas ni Abigael ang kilay niya. Napangisi ang tatlo. Ibinitiw naman ni Ashley ang kamay ni Abigael na nakahawak sa braso niya. “Congrats Abi.” wikang sabi ni Ashley para hindi na humaba ang usapan. Napangiti naman si Abigael at lumapit pa kay Ashley. “Good!” bulong na wika ni Abigael sa tainga ni Ashley. “You’re such a good dòg!” saka tumalikod kay Ashley. Nagtawanan naman ng mahina ang apat. Hindi na kumibo si Ashley at nagpatuloy sa paglakad papunta sa puwesto niya. Nakatingin naman si Abigael kay Ashley habang papalayo sa kanila at nahagip ng mata niya ang isang lalaking nakatingin din kay Ashley. "And for our last contest, Jingle Making. Congratulations to Jasper Lim, the Campus Asset and to his team." pagka-announce ni Ma’am Rina. Napatingin ang lahat kay Jasper na papalabas ng Gym. Wala siyang balak na umakyat sa stage at kunin ang award. Pumunta siya sa Shed at naupo. Napapaisip siya sa mga sinabi ni Ashley noong nakaraang araw. “Hey dude.” napatingin si Jasper sa bumati sa kanya. Napatayo siya nang makita niya si Lexter. Hindi niya nabalitaan na nakabalik na pala ang pinsan niya. Naging exchange student kasi si Lexter, mga kalahating taon din siyang wala rito sa School at nasa ibang School upang ipanlaban ng School nila sa larangan ng pagche-chess. “Kailan ka pa dumating?” tanong ni Jasper pagkalapit na pagkalapit ni Lexter. Nag-signature greetings muna sila, iyon ay ang salubong kamao, apir at bangga ng isang dibdib. Pagkatapos, naupo sila sa upuang bato sa Shed. “Mukhang problemado ang Campus Asset ha.” pabirong wika ni Lexter. Hindi naman niya sinagot ang tanong ng pinsan niya at napangisi na lang siya saka tumingin sa malayo. "Anong problema mo, ha dude?" sunod na tanong ni Lexter sa kanya, seryoso naman siyang tumingin kay Lexter. Magkaibang-magkaiba ang magpinsan sa lahat ng bagay. Mahalaga kay Jasper ang popularity, ngunit pagdating kay Lexter, walang halaga iyon kung hindi naman masaya. Maging sa mga hilig nila sa buhay ay hindi sila nagtutugma. Mahilig sa basketball si Jasper, si Lexter naman ay sa pagche-chess. "Wala, dude." Kinuha niya ang tubig sa bag niya at ininom iyon. Ngumisi naman si Lexter, kabisado niya kasi ang pinsan niya kapag may problema, lumalayo ito at gustong mapag-isa. "Pero halata sa'yong may problema ka." wika ni Lexter. “Congrats pala!” pag-iiba niya ng usapan. “Believe na ko sa'yo” saka siya ngumisi ulit. “Kahit saan ka ilagay dude, champion pa rin ang bansag sa'yo.” Nakatingin lang naman sa malayo si Jasper at hindi naimik kay Lexter, mga ilang sandali... Nagtaka si Lexter ng seryosong humarap si Jasper sa kanya at, "Pwede ba 'kong humingi ng pabor sa'yo, dude?" dere-deretsong tanong ni Jasper, napaseryoso rin ng mukha si Lexter na kanina ay chill lang at saka humarap kay Jasper. "Sure! No problem. Ano ba 'yon?" cool na response niya kay Jasper. Tumingin naman si Jasper sa Gym, napasunod ng tingin din si Lexter at saka napakunot-noo. "Kilala mo naman si Ashley, hindi ba?" seryoso niyang tanong kay Lexter saka tumingin ulit kay Lexter. "The girl with a simple look and super pretty. Yes! I know her." nakangiting sagot niya kay Jasper at saka tumango si Jasper sa kanya. "Please, protect her." pakiusap ni Jasper sa pinsan niya. Napakunot lalo ng noo si Lexter dahil sa sinabi ni Jasper. "Last time, nakita ko siyang binubully na naman ng mga sossy girl. Ayokong nakikita siyang gano'n, turuan mo siyang ipaglaban 'yong sarili niya." sincere na wika ni Jasper. Napangisi naman si Lexter. "Edi kung ayaw mong makita siyang gano'n dapat ikaw mismo ang magtanggol sa kanya." seryosong utos ni Lexter. "Hindi puwede. Alam mo naman kung anong pinangangalagaan ko, hindi ba?" seryoso niyang sabi. Pumunta si Lexter sa harap ni Jasper. "Dude, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" medyo inis na sabi ni lexter. "Hindi naman kasiraan si Ashley sa'yo eh at lalong hindi naman siya ang may gawa ng mga bagay tungkol sa inyo pero bakit ganyan mo pa rin siya itrato?" mariing tanong ni Lexter. "Basta!” seryoso niyang sagot. “Ayoko lang na pag usapan pa kami ng mga studyante rito sa Campus." explain niya. "Edi lumabas din ang totoo, dude. Kinakahiya mo si Ashley. Ashley is a nice girl. Hindi nga lang galing sa mayamang angkan pero kung ikukumpara mo kila Abigael, mas 'di hamak na lamang na lamang si Ashley." dere-deretsong sabi ni Lexter. Hindi na nagsalita si Jasper. Ti-nap nalang niya ang shoulder ni Lexter at saka niya iniwan. Medyo nainis si Lexter sa inasal ng pinsan niya. Simula ng bumalik si Lexter sa School medyo nakaramdam ng pagbabago si Jasper. Nahati ang studyanteng sumusubaybay sa mga kilos niya, ang mga taga-suporta sa mga laban niya at pati ang nakikichismis lang sa personal life niya. May parte na natuwa siya dahil nawala sa landas niya sila Abigael, ang sossy girls dahil nahuhumaling ang mga ito ngayon kay Lexter ngunit may parte sa kanya na nababahala, at ayaw niyang isipin na baka sa paglakad ng mga araw nila dito sa University of Manila. Ang dating title niya na 'Campus Asset' ay mapunta sa pinsan niyang si Lexter, na pangalawa lang dapat at kasunod sa title niya. Nagpunta naman si Ashley sa Garden pagkatapos ng Awarding Ceremony. Naupo siya sa damuhan malapit sa puno. Hindi niya kasi sinasadyang marinig ang usapan ng magpinsan at dahil doon ay nakadama siya ng lungkot. “Iyon pala ang dahilan niya.” sabi niya sa sarili niya. "Ngayon alam ko na kung bakit?" pinunasan niya ang luhang pumatak sa pisngi niya. "Sana sinabi na lang niya, maiintindihan ko naman." Hanggang sa nakauwi na siya sa bahay ay naaalala pa rin niya ang usapang iyon nina Jasper at Lexter. Kinagabihan, dere-deretso siyang umakyat sa kuwarto niya. "Akala ko hindi ka katulad ng iba, iyon pala ay pare-pareho lang kayo. Fame ang mahalaga sa inyo." Umiiyak siya at nakayakap sa unan nya. Maya-maya narinig niyang may yapak ng mga paa at mukhang nanggagaling iyon sa labas ng kwarto niya. "Iha." rinig niyang tawag ng mommy niya habang kumakatok sa pintuan ng kuwarto nya. "Yes mom?" sagot niya sa tawag ng mommy niya sabay punas niya ng mga luha sa pisngi niya saka siya tumayo at binuksan ang pintuan. "Mom." sabay yakap niya sa mommy nya. "Are you okay?" worried na tanong ng mommy niya. Masaya si Ashley dahil may mommy siya na laging nandiyan.Wala man siyang kaibigan sa bago niyang School na pinapasukan, kontento na siya na may maiiyakan siya kapag sobrang bigat na ng mga mata niya at kailangan ng ilabas ng mga iyon. "Last na po ito mommy. Hindi na po ako iiyak." wika niyang sabi sa mommy niya habang nakayakap at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD