Chapter 67: His Strategy

1670 Words

NANATILING nakatingin siya kay Ashley, lumapit naman si Ashley sa kanya. “Tara na…” tipid na aya nito sa kanya, napangiti naman siya. “Yes…” masayang wika niya at saka binuksan ang pinto ng kotse. Inilagay pa niya ang kamay niya sa taas upang hindi mauntog si Ashley sa pagpasok nito saka siya umikot sa kabila at sumakay. “Mag-seatbelt ka muna.” Nakangiti pa rin siya habang nagsi-seatbelt si Ashley dahil naalala niya ang ginawa niya kanina. Binayaran niya ang mga tricycle driver sa terminal upang umalis at walang masakyan si Ashley. Gusto niya kasing malaman kung ‘yong nararamdaman niyang konting pag-asa na may pagtingin pa rin sa kanya si Ashley ay totoo. Gusto niyang malaman ang totoong nararamdaman ni Ashley para sa kanya. Kung mayroon pang chance, ilalaban pa niya ngunit kung wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD