NANG GABING IYON, inilabas lahat ni Ashley sa pamamagitan ng pag-iyak ang lahat ng nararamdaman niya para kay Jasper. At sa paggising niya kinabukasan, nangako siya sa sarili niya na hindi na siya muling iiyak sa parehong dahilan o rason. Dumeretso siya kaagad sa Canteen upang doon mag-almusal dahil maaga siyang umalis sa bahay nila. “Face your fears, Ash. Go! Fighting!.” kasabay ng pag-upo niya sa pwesto niya sa canteen ang pagchi-cheer up niya ng kanyang sarili. Dahil sa mga nangyari kahapon, ramdam niya ang mga usap-usapan sa paligid niya. “Guys? Kanino kayo boto? Team Lexley or team Jasley?” Rinig niyang usapan sa kabilang lamesa. Nagkunwari na lang si Ashley na hindi niya naririnig ang usapang iyon at nagsimula ng kumain. Habang kumakain siya, biglang lumapit sa kanya ang mga s

