NASA gym ang lahat at hinihintay ang anunsyo ng in-charge sa aktibidad para sa mga junior at senior students. Excited naman ang mga sossy na marinig ang anunsyo dahil alam nilang tungkol sa fieldtrip iyon. Dahil sa mga naging usapan ni Cathy at ni Ashley na hindi sinasadyang marinig ni Lexter, naging malaking isipin sa kanya ang bagay na iyon. Habang si Ashley naman, nalilito sa dapat niyang maramdaman at sa tamang desisyong dapat niyang gawin. Bumabalik sa isipan niya ang mga sinabi ni Cathy – “Kung masaya nga ba siya? Maging totoo siya sa sarili niya? Matatago niya sa lahat ang tunay niyang nararamdaman ngunit hindi niya madadaya ang puso niya.” iyan ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Si Jasper naman ay nakaramdam ng konting pag-asa, “Na baka nga may nararamdaman pa si Ashley par

