MAS LALONG napataas ang isang kilay ni Cathy sa narinig niyang sinabi ni Lexter. Tiningnan niyang maigi si Ashley at saka nagsalita. “Gano'n ba?” at saka siya ngumisi. “At ano naman 'yong bagay na iyon?” mataray na tanong niya kay Lexter. Napabaling naman ng tingin si Ashley kay Lexter at pag-aalalang tiningnan si Lexter. Heto na naman, mukhang may bago na naman siyang hater bukod sa mga sossy girl. “Lexter.” bulong na tawag niya sa pangalan ni Lexter kaya napatingin si Lexter sa kanya na may ‘magtiwala ka look at akong bahala’. Tumango si Lexter at nginitian si Ashley saka niya ibinaling ang tingin niya kay Cathy na naghihintay ng sagot niya habang si Jasper ay pasimple namang nakatingin sa mukha ni Ashley at patuloy sa pag-inom ng juice. Ramdam ni Cathy na iba ang kilos ni Jasper, nap

