DARYL
NAKARATING na kami ng Bulacan kung saan ang sabi ni Monica ay dito raw nakatira ang step-mom niya; dugtong niya pa kanina sa gitna ng pag-uusap naming dalawa ay halos dito na rin daw siya lumaki— nag-aral ng elementarya, sekondarya at sa Manila naman siya nag kolehiyo.
"Feel at home ha. Masyadong matanong si tita. Hindi sana siya makahalata," bilin nito sa akin nang naglakad kami ng sabay hanggang sa gate nila matapos kong i-park ang sasakyan.
"Huwag kang mag-alala, nabasa ko naman lahat ng message mo kagabi sa akin. I know everything will be fine. Magtiwala na lang tayo sa isa't isa, team work kumbaga," sabi ko naman sa kaniya.
"I trust you, Darryl. Pagkatapos nga nito parang gusto kitang kuning artista eh," natatawang tugon niya sa akin. Nakitawa na rin ako sa kaniya, iyon ang tagpong naabutan ng isang ginang sa aming dalawa ni Monica. Kapwa namin hindi namalayan ang pagbukas ng malaking gate nilang yari sa matibay na bakal.
'Monica? Hija? Bakit hindi ka man lang nagsabing parating ka pala," bungad nito kay Monica habang ang mga tingin ay nakatutok sa akin na para bang sini-sino ako.
Humalik si Monica sa pisngi nito.
"A piece of surprise, tita. Ayaw ko kasing maghanda ka ng kung ano-ano kung sakaling malaman mo," natatawang tugon ni Monica rito. Tsaka ito tumingin sa akin, naalala sigurong kasama niya pala ako.
"By the way, tita. Kasama ko nga pala si Darryl, Darryl si tita— my step mom. Tita si Darryl, a-asawa ko."
Tulad nang inaasahan namin ni Monica, pagkabigla ang nakita ko sa mga mata nito. Nagtatanong nang tumingin sa aming dalawa.
"Asawa? Tama ba ang narinig ko sa iyo, Monica? Kailan pa? Kailan ka pa nag-asawa? Huli nating magkikita halos dalawang linggo lang ang nakaraan. Paanong nangyaring?"
"Mahabang kwento, Tita. Ang mabuti pa pumasok na muna tayo to discuss some things na gusto mong malaman." Inakbayan na ito ni Monica habang papasok silang dalawa sa loob.
Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan ko nang sundan ko sila ng tinging dalawa. Mukhang mabait naman ang madrasta ni Monica, siguro may mga bagay lang silang hindi pagkakaintindihan minsan tulad nga ng kwento nito sa akin tungkol dito at ang naging dahilan kung bakit pumasok si Monica sa sitwasyong kung nasaan kaming dalawa ngayon.
"Ano'ng gusto mong iluto ko, Hija? Gusto mo ba ng paborito mong Italian spaghetti?"
"Anything, Tita. Kung ano lang siguro iyong available sa kitchen mo. Pwedi naman tayo mag-order kung sakaling wala para na rin hindi ka na mag-abala pa,' sagot naman ni Monica.
Tumalima ang tita nito't pumasok sa pinto na hula ko kusina. Binalingan ako ng tingin ni Monica nang mapansin siguro nitong nakatayo pa rin ako sa may pinto.
"Don't mind about tita. Be okay lang. Don't preassure yourself ha," anito sa akin.
"Upo ka lang. Wala kang dapat ipag-alala," dugtong pa niya sa akin.
Parang mahirap naman yata iyon, para sa akin. Mukhang matanong pa naman ang madrasta nito. Pakiramdam ko nga ay hindi pa nagtatapos ang interrogation at may after shock pa mamaya since hindi rin naman nasagot ni Monica nang maayos kanina ang tanong nito sa kaniya.
"Gutom ka na ba?" tanong sa akin ni Monica nang muli itong lumingon sa gawi ko.
"Okay lang ako, Monica. Huwag kang mag-alala."
"Dar, I know it's kinda wierd; pero pwedi bang iba muna tawagan natin? Baka kasi magtaka si tita," halos pabulong na pagkakasabi sa akin ni Monica. Alam ko naman ang ibig sabihin nito.
"Ano ba ang gusto mo? Hindi ba nakakahiya sa 'yo?" anito ko sa kaniya.
"Ikaw? Any suggestions? Magsabi ka lang, ayaw ko lang na may masilip si tita."
"B-babe?" nahihiya ko pang tanong sa kaniya.
"It's okay then."
Ngumiti sa akin si Monica at ganoon din naman ako sa kaniya. Ilang sandali lumabas din ulit ang madrasta nito.
"Okay lang ba kayo diyan? Gusto niyo na bang kumain? Baka nagugutom na kayo ha." Narinig kong pagkakasabi nito sa amin ni Monica. Muli kaming nagtinginan.
"Hindi pa raw, Tita. Don't mind us. Mag-order na lang tayo kung talagang gutom na kami ni... b-babe. Right?"
"Uhm! Oo. Wala kayong dapat ipag-alala, Tita. Salamat."
Muli itong nagpaalam sa amin para ipagpatuloy ang nilulutong paalam nito sa amin.
"M-mabait naman pala ang tita mo."
"Medyo," maiksing natatawang sagot sa akin ni Monica.
"Pero mukha naman kasi nakuha niya rin naman ang approval ko nang magpakasal sila ni daddy."
"She look after you naman. Iyon naman ang tingin ko."
"Oo naman. Always naman. Kahit naman buhay si daddy, hindi naman pakitang tao ang pag-aalala niya sa akin."
"Isa iyon siguro sa nagustuhan ng daddy mo sa kaniya."
"Oo naman. Mabait si tita, atsaka ang nagustuhan ko lang siguro sa kaniya iyon iyong pagmamahal at pag-aalaga niyang ginawa kay daddy hanggang sa nawala ito."
"Are you okay? I don't have any intentions na maging malungkot ka ha."
"I'm fine, Darryl. Matagal na akong nakamove-on, matagal ko nang tanggap na wala si daddy and even my mom. Lucky enough pa rin na nandiyan si tita para sa akin."
Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga.
"Kaya nga lahat gagawin ko para sa kaniya. Pamilya na ang tingin ko sa kaniya at hindi ko siya kayang iwan or hayaan na lang sa mga maling desisyon na mayroon sya. Wala akong hindi kakayanin para kay tita, Darryl."
Mas lalo akong nakaramdam ng paghanga kay Monica dahil sa mga narinig ko sa kaniya, kung iba lang siguro ito baka pinabayaan na nito ang madrasta nito.
"Thanks to you too, dahil nandiyan ka para bigyan solusyon ang problema ko. Maraming salamat, Darryl."
"Mas malaki ang nagawa mo para sa akin, Monica. Nagpapasalamat din ako sa 'yo. Malaking bagay ang ginawa mo para sa kapatid ko. Hindi ko makakalimutan iyon."
"Baka magkaiyakan pa tayong dalawa rito, magtaka pa si tita."
Ang lungkot sa mga mata niya ay napalitan ng saya.
"Sana makilala ko ang kapatid mo."
"Sana nga, Monica. Alam ko kapag dumating ang sandali na iyon, magiging masaya iyon dahil totoong makakakita na siya ng maganda."
Ang lakas ng tawa nito nang sabihin ko ito sa kaniya.
MONICA
HINDI ko namalayan na malakas na pala ang tawa ko sa mga sinabi sa akin ni Darryl. Pakiramdam ko hindi naman siya nagbibiro dahil ang seryoso nga ng mukha niya habang pinag-uusapan namin ang kapatid niya.
"Nothing imposible naman eh. Pwedi naman kami magkita kung sakali. Bakit kaya hindi mo siya papuntahin dito sa Manila? Pwedi naman siyang tumira sa bahay kung sakali. Sabihin mo lang sa akin."
"Huwag na siguro, Monica. Ayaw kong makaabala sa iyo. Kailangan niya rin magpagaling sa ngayon."
"E kung tayo na lang pala ang pumunta sa inyo?"
"Ha?"
"Hindi ba malapit kayo sa Isla? Bakasyon na rin naman iyon para sa akin."
"Sigurado ka ba, Monica?"
"Oo naman. Bakit naman hindi? Sasabihan kita kapag maluwag na ang schedule ko."
"Sigi. Wala naman problema sa akin kung sasama ka sa amin. It's my pleasure too."
"Talaga ba? Sigi. Set natin iyan. I'll check my schedule once nakabalik ako sa studio."
Napangiti kami sa isa't isa. Nandoon ang pakiramdam ko na gusto rin akong isama ni Darryl sa kanila. Tulad nga ng sabi ko it's a vacation din naman sa side ko. Minsan ko lang naman hahayaan ang sarili kong umalis muna sa siyudad.
"Halika na kayo, Monica. Nakapagluto na ako. Baka mamaya gutom na asawa mo," untag sa amin ni tita.
Muli kong nilingon si Darryl; andoon sa mukha nito ang pagkailang sa tawag ni tita sa aming dalawa.
"Let's go, Babe."
"Let's go, Babe..." anito rin sa akin.
Nalingunan ko si tita na may maluwag na ngiti sa aming dalawa.
"Bagay na bagay kayo. Halos magkamukha kayong dalawa, Anak," narinig kong komento ni tita sa aming dalawa habang papalapit kami rito.
"Nambola ka pa, Tita. Siguro may kasalanan ka na naman 'no."
"Ikaw talaga, Monica. Mapagbiro ka talagang bata ka," natatawang sambit ni tita. Napailing-iling na lang ako dahil sa hindi ko alam kung biro ba iyong mga sinabi niya.