Kinuha ko na ang papel at binasa, “Alam kong galit ka pa, I am so sorry if I broke your headset. I hope you will forgive me.” What? Sa kaniya pala galing ang headset na ito? Walang kwenta. Ibinalik ko sa kung saan ko kinuha ang headphones at bumalik sa aking higaan. Bakit ba napakaraming makulit sa mundong ito? Hindi ba pwedeng manahimik na lang sila at tantanan ang buhay ko? Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng kaibigan, kahit obvious naman na ayaw ko talaga. Gusto ko lang mamuhay ng tahimik na walang pinag-alala. Masiyado akong lapitin ng mga papansin na tao at makukulit na players. Kung hindi sa laro ay dito naman sa totoong buhay ako nakakasalamuha ng mga katulad nila. Huminga ako ng malalim bago na isipan na tumayo mula sa pagkakahiga at kinuha na ang tulay bago naligo. Siguro a

