Nanatiling naka-pikit ang aking mga mata habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng enerhiya sa buong katawan ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nanatili sa loob ng aking isipan o kung ilang oras na akong nakapikit. Gusto ko man imulat ang aking mga mata ay para bang ayaw naman ng aking katawan. Patuloy lamang ako sa paghigop sa enerhiya na mula sa bola na nasa harapan ko at hinayaan itong kontrolin ng aking kapangyarihan. Ilang sandali pa ay siya na naman ang pagdala ng aking isipan sa isang napaka-pamilyar na lugar. Ito 'yong lugar na kung saan ako dinala rin ng aking isipan sa araw ng pagsusulit. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang mga bolang nakita ko noon pero labis ang aking pagkadismaya ng wala man lang kahit isa akong nahagilap. Nagsimula na akong maglakad sa tahim

