Ano ba ang pinagkaiba ng ilog na ito sa ibang kagubatan? "Tara na, at baka gabihin pa tayo sa daan." Tumango lamang kami at sumunod sa kanila, ngunit bago pa ako lumiko ay napatingin ako sa daan diretso palabas sa gubat na ito. Ano kaya ang nandoon sa ulo nito? May panibagong bayan ba o ano? "Huwag mo na tignan kung ano ang nandiyan,"sabi ni Nola at hinila ang kamay ko papasok sa daan papunta sa ilog. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko, "Ano ba ang mayro'n sa lugar na iyon at parang ayaw mo 'kong pumunta diyan." "Hindi mo magugustuhan ang malalaman mo,"ani nito, "Mas mabuti pa na huwag mo na lang alamin." Hindi na lang ako umimik at sinundan na lang ito. Ano kaya ang nandoon? Baka isang malaking hayop o halimaw. Maari ring isang bangin na sobrang lalim o kaya ay isang napaka-delikadong

