Natapos na kaming mag-empake kung kaya ay nagtanguan na kaming lahat. Ayon kay Ely ay dapat daw namin paghandaan ang kung ano man ang mangyari sa amin sa pagdating namin sa bayan na iyon. Hindi kasi raw siya sigurado kung nandoon na ang kaniyang ama na gagabay at tutulong sa amin. Alam niyang sobrang delikado ng mga taong nandoon. Tahimik lamang kaming naglalakbay patungo sa bayan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya pinagmasdan ko na lang ang aking kapaligiran. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko, kung ihahalintulad ko ito sa unang araw na nanatili ako rito. Sobrang gaan na niya sa pakiramdam na para bang wala nang dinadalang mabigat na karamdaman itong kagubatan. Masaya naman ako para rito, iyon nga lang ay hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil aalis na kami. Hindi ko na

