Hindi ko na lang siya pinansin atsaka nagsimula nang maglakad patungo sa kung nasaan ang hari. Naka-ilang iwas pa kami sa mga taong sumasayaw bago nakarating sa harap nito at sabay-sabay na yumuko upang bumati. "Magandang Gabi, Mahal na Hari,"bati namin sa kaniya. "Magandang Gabi sa inyo,"tugon nang hari, agad naman kaming umayos ng tayo at ngumiti ako sa kaniya. Tinignan ko naman ang Duke na ngayon ay nagtataka sa akin habang ini-inom nito ang kaniyang alak. Hindi pa yata ako nito nakikilala. "Pasensiya na po kayo at natagalan po kami, Mahal na Hari,"saad ko at ngumiti rito. "Huwag niyo nang isipin iyon,"tugon naman nito, "Kumain na kayo at magsaya, para sa inyo itong pagdiriwang natin ngayong gabi kaya nararapat lamang na tamasin niyo ang sarap ng tagumpay, ngunit bago iyon ay may ip

