Mabilis kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone at tinignan kung kanino ito galing. Nais kong malaman kung sino itong taong may number ko. Huminga ako ng malalim at binasa ang numero na nasa screen ng cellphone ko. Isang panibagong numero na naman. “Be careful. As much as possible, mas lalo mong itaas ang guard mo. Huwag na huwag ka magpaniwala sa mga nababasa sa online, hindi lahat ng iyon totoo. Alam kong hindi na kita makikita pa, pero lagi mong tandaan. Find the Keys.” Mas lalong kumunot ang aking noo habang paulit-ulit na binabasa ang mga nakasulat sa mensahe. Ano ang ibig nitong sabihin? Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin sa huling pangungusap. Keys? Find the keys? What keys? Ano ba ang ibig sabihin nito at kung sino man ito. Teka. Mas lalo mong itaas ang guard mo

