Chapter 45

3001 Words

Lumipas ang ilang minutong paglalakad at pagsiksik sa aming sarili sa mga napakaraming estudyante dito sa pasilyo ng paaralan ay sa wakas naka-labas na rin kami. Hindi ko inaasahan ang ganoon karaming estudyante ngayon. Alam ko naman na paaralan ito at panigurado ay napakaraming nag-aaral dito, lalong-lalo na at ang laki ng mga bahay sa puno. Hindi ko nga rin alam kung gaano kalaki ang puno ng bahay ng mga lalaki. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa malawak na lugar na puro puno lamang ang nasa paligid. Napaka-presko ng hangin dito at marami ring upuan at mga lamesa. "Dito ako minsan nag-aaral kapag puno ang silid-aklatan," biglang sabi ni Elfrida na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya, nanatili lamang ang kaniyang tingin sa paligid habang parang may hinahanap, "Sa mga oras na it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD