Kasalukuyan na kami ngayon na nandito sa aming tahanan ni Elfrida. Bukas na bukas din ay magsisimula na ang aming unang klase sa mahika. Ramdam ko ang sabik sa aking katawan dahil sa wakas ay mas lalong darami ang aking kaalaman patungkol sa kapangyarihan ko. Medyo may kaba rin dahil baka ito na 'yong oras na kung saan malalaman ko ang tungkol sa aking isa pang kapangyarihan. Sana nga lang ay walang mangyaring masama sa unang araw ko, at sana lang ay hindi nakapasok ang taong iyon dito. Kinakabahan pa rin ako dahil baka isang araw bigla na lang akong sugurin ng taong iyon ng hindi ko napapansin. Nakahiga lang ako ngayon sa sofa at nagpapahinga, nakak-pagod pala talaga bumili ng mga kailangan para sa pag-aaral. Kahit kailan ay hindi ko nasubukan na pumasok sa isang paaralan. Ipinikit ko na

