Riana POV "Gale, okay kalang? Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka pala nakikinig." Wala sa sariling napatingin ako kay Dave--boyfriend ko. Kwento kase sya ng kwento kanina pa pero ang isip ko lumilipad dahil sa nangyaring confrontation namin ni Skyler. Parang ang bigat bigat ng dibdib ko kase. "W-wala. Okay lang ako, Dave." "Are you sure? Kanina ko pa napapansin na parang balisa ka." Napansin ba nya na galing ako sa pag-iyak at para talagang wala akong gana ngayong araw na'to? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sobrang apektado ako sa paghaharap namin ni Skyler. He loves me. And now, he hates me. "A-Ah, masama lang ang pakiramdam ko. Pero kaya ko 'to. Ano nga ba 'yung kinu-kwento mo?" Pag-iiba ko ng usapan. "Bakit di mo sinasabing masama ang pakiramdam mo? Gusto mo ba

