RIANA POV MAGANG maga ang mga mata ko kakaiyak kagabi. Nasaktan naman kasi talaga ako at mas nasasaktan pa dahil kay Skyler. Gusto ko mang linisin ang pangalan ko sa kaniya at ipaliwanag lahat, hindi ko na nagawa dahil sarado ang isip ni Skyler. Ayoko din naman ng ipagpilitan pa ang gusto ko dahil lalo lang akong nagmumukhang masama. Huminga ako ng malalim saka itinuon nalang ang pansin sa lecture notes na kinokopya ko sa board. Sinadya ko pang magpa-late ng bangon kanina para hindi na ako masyadong makita ni Mom. Ayokong makita niyang maga ang mga mata ko dahil for sure, mag-aalala siya sa akin. Isa pa, baka makarating pa kay Dad na umiyak ako dahil kay Skyler. Baka magalit na naman siya. "Riana, paxerox nalang ng lecture notes mo mamaya ha?" Sabi no'ng isa kong classmate. "Huh?" "

