21

2118 Words

Riana POV TAHIMIK akong nakaupo sa upuan ko. Malapit nang mag-uwian pero narito lang ako sa upuan ko. Dumaan na ang lunch break at recess, hindi ako umalis dito. Nalipasan na nga ako. As if naman may makakapansin niyon? Dati si Dave, pero ngayon nakikita ko naman na si Kate na ang lagi niyang kasama. Lagi silang magkausap at lagi silang magkatabi. Wala naman akong kaibigan para sabihin sa akin na mag-lunch naman ako o kaya ay mag-recess. Walang makakapansin na hindi ako umaalis dito sa upuan ko dahil para sa mga tao sa paligid ko, anino lang ako. Loner in short. Malalim ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon na galit na galit sa akin si Skyler. Pakiramdam ko kasalanan ko pa na inatake siya. Down na down ako pero wala akong mapagsabihan. Ang bigat sa pakiramdam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD