Riana POV MASAYA ang naging trip sa Batangas. Kahit papaano ay nakaramdam ulit ako ng freedom doon. These past fee days kasi, naging mahigpit sa akin si Dad. Ayoko naman siyang suwayin. Alam kong kapag galit siya, galit talaga siya kasi kahit pinakiusapan na siya ni Mom, walang nangyari. "Riana, wala na ba kayo ni Dave?" Tanong ni Veronica---isa sa classmates ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaintindi ang sitwasyon namin. At hindi ko alam kung paano ko magagawang hindi sagutin ang tanong niya. Naupo ako sa upuan ko. Recess time kasi namin at kagagaling ko lang sa cafeteria. Nakita ko pa doon si Dave na kasabay si Kate. Nainggit ako dahil iba na ang closeness nila na para bang tuwing magkausap sila, lagi silang masaya. Alam kong

