"Dahan-dahan," mahinahong utos ng daddy ni Shaina sa lalaking nurse na nagtutulak ng wheelchair ni Leigh. Nagtataka man si Shaina kung bakit sa isang townhouse sa exclusive na subdivision dinala ang lalaki at hindi sa bahay nila Rosette, hindi na siya nagtanong pa. She's still hurting dahil sa ginawang desisyon at namimiss niya pa rin si Sorell lalo na ngayon na ililipat na siya sa mas malapit na eskwelahan. "Salamat sa inyo, Serge," nakangiti ngunit halatang malungkot na sabi ng mommy ni Leigh. "Walang anuman, Flora. Kung may kailangan ka, don't hesitate to call me." Kinuha na ng daddy ni Shaina si Leigh mula sa nurse at ito na ang nagtulak papasok sa loob ng bahay. Nahalata naman ng mommy ni Leigh na malungkot si Shaina kaya nilapitan niya ito. "Huwag mong sisihin ang sarili mo

