"What are you doing here?" gulat na gulat si Stephanie nang makita ang bisita. Pagkatapos siyang pagtaguan ni Rio nang ilang araw ay nandito ito ngayon sa opisina niya at may dala pang bulaklak. She tried contacting him dahil may itatanong siya rito na business related pero hindi ito nagpapakita at tanging ang assistant ang pinapapunta sa mga business meetings. "Visiting you," ngumiti si Rio na lalo niyang ikinagulat. Something's fishy. Ano bang trip nito? "Pagkatapos mo akong pagtaguan nang ilang araw?" kaswal na sabi niya ngunit bakas ang panunumbat. "I don't have time for your games, Mr. Villareal." Pagak na natawa si Rio, "I'm not playing games with you, Stephanie. Busy lang ako this past week kaya hindi kita nabisita." Nagsalubong ang kilay ni Stephanie nang marinig ang pagtawag

