"Rosalie, you need to..." Nagulat si Wesley sa naabutang tagpo at kahit nagbabarilan na sa labas ay hindi nito napigilang mapangiti. "Mamaya niyo na ituloy 'yan. Napapaligiran na tayo ng kalaban." Mabilis na naghiwalay ang dalawa. Halata sa mukha ni Rosalie ang pagkapahiya at kahit si Rio ay hindi makatingin nang tuwid sa bagong dating. "Sumama ka sa'kin, Rio," inalalayan ni Wesley ang lalaki, "Nasa likod na ang van na maghahatid sa'yo pauwi." "Wesley..." tutol ni Rosalie. "Magkakampi tayo, Rose. Hindi kita tatraydurin, alam mo 'yan. Ligtas na makakabalik si Rio sa kanila at pwede niyo nang ituloy ang ginaga..." Natigilan ang lalaki nang makita ang dulo ng baril ni Rosalie sa mukha nito, "Siguraduhin mo lang." Lalong natawa ang lalaki sa inasal niya. "Rosalie..." pigil ni

