"Rosalie! Please...please, don't die..." Nagmulat ng mata si Rio nang maramdaman ang marahang pagyugyog sa kanya. Nakita niya ang nag-aalalang ina sa tabi ng hospital bed. Halatang puyat ito sa pagbabantay sa kanya. "Rio, nananaginip ka." "Ma, si Rose," biglang bumangon si Rio nang maalala si Rosalie. "W-we found her." "Really?" sumigla ang boses ni Rio pero agad napawi ang mga ngiti nang mapansing hindi makatingin nang maayos ang ina. "What happened?" kinakabahang tanong ni Rio, "Ma, please answer me." "Relax," kalmadong sabi ng ginang, "she's still alive." Nakahinga nang maluwag si Rio, "I want to see her." "It's better for you to rest first." "I'm okay. I want to see her now," malakas ang kutob niya na may itinatago ang ina. Hindi na nakatiis si Rio. Siya na mismo ang humugot

