Kakarating lang nila sa bahay nang makatanggap ng tawag si Rio mula kay Eros at sinabing papunta na raw ito at may mahalagang sasabihin. It must be important dahil nag-abala pa itong puntahan siya. "I have news for you," bungad agad nito pagdating. Inaya niya ito sa sitting area ng hardin at pagkatapos ay inutusan ang kasambahay na dalhan sila ng juice. "Hindi si Rosalie ang namatay sa van. Nakaalis siya ng Pinas." Tumitig lang dito si Rio. "May hinala na ako kung nasaan siya." Bago pa nakasagot si Rio ay dumating ang juice nila. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Eros nang makita kung sino ang may dala ng mga inumin. "Thanks, Rose," nakangiting sabi ni Rio sa asawa bago ito umalis. "Huli ka na sa balita," tudyo ni Rio kay Eros. "Akala ko ba magaling kang detective?" Tahimik lang

