Matapos ang gabing 'yon ng party ay sinigurado kong hindi tatanggapin ng Inson Empire ang anomang investment ng pamilya ni Victoria. Akala ng babaeng 'yon ay aatrasan ko siya.
"Bhie," tawag ng lalaking naging laman din ng isip ko. Ewan ko ba pero tuwang-tuwa ang puso ko nang mabalitaan kong break na sila ni Victoria. Nang puntahan niya ako sa office ko ay agad niyang sinabi ang pakay nito at heto nga, nagsisimula na itong ligawan ako.
Matamis kong nilingon ang binata.
"Brent!" matamis ang ngiting tawag ko sa binata. Agad niya akong nilapitan at hinalikan sa pisngi. Inimbatahan niya ako sa isang lunch date. Agad naman akong pumayag.
"For you," sabi nito sabay abot sa akin ng isang bouquet ng bulaklak. Napangiti ako.
"Thank you, they are beautiful." Komento ko sabay abot ng bulaklak sa akin. Pinaghila niya ako ng upuan at naupo na ako. Inilagay ko na muna sa gilid ng mesa ang bulaklak na dala nito. Nang makaupo na si Brent ay mabilis namang lumapit ang waiter sa amin.
"May I have your order? Ma'am, Sir?" magalang na tanong ng waiter. Sinabi ni Brent ang order nito. Kung ano ang in-order nito ay ganoon na rin 'yong akin.
"So, paano mo sinabi kay Victoria na wala na kayo?" kaswal kong tanong dito. Gusto ko lang naman talagang malaman eh. Umayos ito ng upo at seryoso niya akong tiningnan.
"Wala naman talagang kami. But I have no choice when she introduced me to her parents as her boyfriend. Dahil single naman ako that time ay sumang-ayon na lang din ako," kwento nito. So, assumerang frog pala si girl. Hmp! Gigil pa naman ako.
"I love the place. May privacy talaga tayo. Kasi minsan kapag kumakain ako sa mga public restaurant ay natatakot ako," wika ko rito. Baka may sumugod na naman sa akin at least sigurado akong hindi ako madidehado. I will make sure na ako ang parating panalo. Kasi kung public, baka masira ang image ng empiryo namin.
"Bakit ka naman matatakot?" masuyo nitong tanong.
"Kasi baka may manugod na naman sa akin, at tawagin na naman akong bïtch at malandi!" paawa effect kong saad. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil-pisil 'yon.
"I will protect you, kaya huwag ka ng mag-alala pa, okay?" saad nito. Natuwa naman ako sa sinabi nito.
Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga gusto at hindi namin gusto. At nalaman kong marami pala kaming similarities.
"Naku, magki-click pala talaga tayong dalawa," ngiti ko rito.
"Kaya nga. So, ano sasagutin mo na ba ako?" nagniningning ang mga mata nitong tanong. Ano pa nga ba ang isasagot ko? Of course, sasagutin ko na ito.
"Sige na nga, sinasagot na kita," pabebe kong saad. Natawa naman ito sa pagiging pabebe ko.
"Thank you, Love," agad itong tumayo ay mariin akong hinalikan sa aking labi. Wow! Jackpot! Ang sarap humalik ni Brent. Napakapit tuloy ako sa batok nito nang mas palalimin pa nito ang halik.
"I love you," hinihingal nitong sabi. Ngunit imbes na sagutin ang sinabi nito ay kinintalan ko lang ito sa mga labi. Kahit kailan ay hindi pa ako nagsasabi ng I love you sa mga naging boyfriend ko. Aaminin kong gusto ko sila pero hindi ko pa maramdaman ang pagmamahal para sa kanila. Mabuti na lang at hindi na naging makulit pa si Brent.
Hinatid niya ako sa office ko. Kahit naman kasi bïtch ako ay isa naman akong executive director sa kompanya namin. Kaya pasensya na lang sa sinomang babangga sa isang Bhie Inson.
"Thank you sa paghatid mo sa akin. Masyado na kitang inaabala," pagpapa-cute kong saad dito.
"It's nothing, iyon naman talaga ang ginagawa ng isang boyfriend sa girlfriend niya." Nakangiti nitong saad. Shït! Kinikilig ang kilikili ko.
"Sige na umalis ka na at alam kong marami ka ring ginagawa," pagtataboy ko rito.
"Okay, bye!" paalam nito. Paalis na si Brent nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Napaatras pa si Brent ng bahagya dahil mukhang nagtatalo ang papasok sa opisina ko.
"Miss Bhie! Pasensya na po at nagpumilit si Miss Victoria na pumasok dito sa loob," natatakot na sumbong ng secretary ko.
"Bitiwan mo na ako!" malakas na singhal ni Victoria sa kawawang babae.
"It's okay, you may leave us now." Seryoso kong utos sa babae. Tumango naman ito at lumabas na ng opisina niya.
"Naligaw ka yata?" taas ang kilay kong tanong kay Victoria. Tiningnan muna nito si Brent bago binaling ang tingin sa akin.
"So, totoo nga ang balita. Kayo na ni Brent," pahayag nito. Natawa ako dahil sa hitsura niyang parang pinalaklak ng sampalok, ang asim ng mukha.
"And so? Break na naman kayo at single ako. Anong masama doon?" balik tanong ko rito. Si Brent ay tahimik lang na nagmamasid sa aming dalawa. I know he's busy kaya itinaboy ko ulit ito.
"Love, iwan mo na kami. We have to talk," super sweet kong saad kay Brent. Gusto kong mangigil si Victoria sa akin.
"Are you sure, you okay?" nag-aalala ang boses nitong tanong.
"I'm fine okay? Sige na, ingat!" inilang hakbang ko lang si Brent at mabilis na hinalikan sa mga labi nito. He responded to my kiss. At para bang wala si Victoria sa paligid.
"Ahh!" shït! Napaungol ko si Brent. Mas nagdiwang ang puso ko.
Kung hindi pa tumikhim si Victoria ay hindi pa kami maghihiwalay ni Brent.
"Bye!" muli kong paalam rito at itinulak na ang binata sa labas ng office ko.
Nakita ko kung paano tumalim ang mga mata nito sa akin. Nginisihan ko lang ito.
"So, tell me kung anong ginagawa ng isang Victoria rito sa opisina ko," pormal kong tanong dito. Umupo ako sa swivel chair ko.
"You may sit," at itinuro ko ang upuan kaharap ko.
"You're so disgusting! Nakakadiri ang isang kagaya mo! Naaatim mo ba talaga ang mang-agaw ng pag-aari ng iba?" nakakainsulto nitong tanong. Kumuyom ang mga palad ko. Sa sarili ko pa talagang kompanya niya ako iinsultuhin? Sana sa ibang lugar na lang niya 'yon sinabi. Hindi sa balwarte ko.
"Talaga? I'm disgusting? Mas ikaw ang nakakadiri sa ating dalawa. At hindi ka ba nahihiya? Hindi ka man lang niligawan ni Brent at basta mo na lang itong ipinakilala sa parents mo as your boyfriend. Mas nakakahiya 'yon 'di ba? Pero ako, niligawan niya ako at talagang gusto ako ni Brent. At alam mo ba, chika ko sa 'yo, he said he loves me. Ikaw sinabihan ka na ba niya ng I love you? I bet not," mahaba kong saad at nakakaloko ko siyang nginitian. Umuusok na ang ilong nito dahil sa galit. Matatalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin at konting push pa, sasabog na ang bulkang si Victoria.
"Ang sabihin mo, malandi ka lang talaga!" sigaw nito at bigla akong sinugod ng bruha. Dahil hindi ko napaghandaan ay nahila nito ang buhok ko.
"Ahhh!" hiyaw ko dahil sa sakit. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ko, ngunit hindi ko makita ang pumasok.
"Oh my gosh! Bhie!" sigaw ng pamilyar na boses sa akin. Ilang sandali pa ay nagtititili na si Victoria. Hila-hila ni Savannah ang buhok ng dalaga.
"How dare you touched my best friend! Humanda ka sa akin ngayon!" malakas na hinila ni Savannah ang buhok ng babae. At malakas na itinulak. Dahil sa mabilis na pangyayari ay hindi ko namalayang malakas na sinampal ni Savannah ang mukha ni Victoria. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Sabog na sabog ang buhok ni Victoria at namumula ang kaliwang pisngi nito.
"Itong tandaan mo, huwag na huwag mong kakantiin ang best friend ko sa teritoryo niya at baka hindi lang 'yan ang matitikman mo!" gigil na sigaw ni Savannah at tinuro-turo pa nito ang kawawang babae.
Mabilis kong tinawagan ang mga security guard ng building upang kaladkarin ang babaeng eskandalosa.
"Ma'am!" sumaludo ang guard sa akin.
"Can you please get this bïtch out of this building? At banned na siya rito. Bawal na bawal siyang papasukin sa building na 'to!" nangigigil kong utos sa mga guard.
"Yes, Ma'am!" mabilis nilang kinuha si Victoria at hinawakan sa magkabilang braso.
"Hindi pa tayo tapos! I will make your life miserable!" banta nito. Nginisihan ko lang ito.
"Then make my life miserable and I will make your life a living hell!" ngiti ko ring banta rito. I'm not a saint, I'm a bïtch. Kaya huwag niya akong pagbantaan dahil kayang-kaya ko siyang tirisin na parang kuto.
"Ilabas niyo na 'yan!" utos ko at kinaldakad na nila si Victoria palabas sa building habang nagsisisigaw. Mabilis naman akong nilapitan ni Savannah.
"My goodness! Are you okay?" tanong nito sa akin.
"I'm fine. Ikaw okay ka lang? Para kang kidlat na sumugod, 'di ko inasahan eh!" natatawa kong saad dito at mabilis itong niyakap.
"I missed you! Kailan ka pa dumating?" tanong ko habang yakap ito.
"Kanina lang. I want to surprised you, kaya lang mukhang ako yata ang nasurpresa," nakangiti nitong saad. Napailing na lang ako sa nangyari kanina.
"Ganyan talaga ang buhay parang life," natatawa kong biro rito.
"So, bakit nanugod ang bruhang 'yon dito?" tanong ni Savannah habang sabay kaming naupo sa sofa. Inayos ko ang aking buhok na hinila kanina ni Victoria. Shït! Ang sakit ng anit ko. Putchang babae 'yon!
"As always, naagawan ng jowa." Natatawa kong kwento rito.
"Sabi ko naman sa 'yo, tigilan mo na 'yan! 'Yan ang napapala mo dahil sa obsession mo eh!" sermon na naman nito. Tinawanan ko lang ang mga sermon niya. Sanay na rin naman ako.
"May ibabalita ako sa 'yo na mas ikaka-shock mo!" naiinis talaga ako kapag naalala ang banta ng parents ko sa akin.
"Sina Mom at Dad, gusto na raw nilang magka-apo sa akin. My goodness, they give me two months to get pregnant! Ang shocking 'di ba?" kwento ko rito. Imbes na makisimpatya ito sa akin ay tinawanan ako ng gaga kong best friend.
"Yan ang napapala mo! Kaya magtino ka na!" sermon ulit nito. Pero 'di ko na siya pinakinggan pa at mahigpit na lang itong niyakap. Hay, I really miss my best friend.