Tulala akong bumalik sa hotel room, masikip ang dibdib at nanlalamig. Sa mga taong ginugol ko para abutin ang lahat ng natamo ko ngayon, sa mga oras na pinili kong lumaban at umahon mula sa kamangmangan, at sa mga oras na sinakripisyo ko ang tulog at pahinga para makagawa ng disenyong papatok sa mga maaartent kliyente. Parang lahat ng 'yon ay minaliit. Bigla akong nanliit. Pabagsak akong umupo sa kama. Haze. It was him who they needed, not me. Siya 'yung gusto nilang ma-interview at makasama sa collaboration. I know Haze and I have different market, but it hurts, and I feel envious somehow kahit hindi dapat. He's my lover, and I shouldn't feel jealousy towards him. But that's how I feel right now. Bakit ang dali lang sa kanyang makuha ang admiration ng ibang tao? Bakit sa kabila ng

