Not everything, as I wanted, is as smooth as it was from the beginning. Darating sa punto na ang mga ayaw ay nakakasanayan, panahon na hindi na nakakakilig, punto na nakakapagod na. There was this time when our child, Chase, is just two years old. At si Junmar, nagbibinata na, isang crucial na pagkakataon ng paglaki niya, dahil natuto siyang makipag-barkada. "Baby, I'll wait for him, hm? Just sleep with Chase," sabi ni Haze kahit maging siya ay papungay-pungay na rin. Bumangon siya at hinimas ang likod ko. Umiling ako. Nakatulog naman na si Chase mula sa pagdede, pero hindi siya napapakali kapag nagigising nang walang katabi. "No, it's okay. Ako na lang maghihintay kay Junmar, papagalitan ko ang batang 'yon pag-uwi." Hindi ko inakalang mababarkada si Junmar nang husto, alam kong wala k

