"May kailangan ka ba?" tanong ko. Sinundan niya ako hanggang sa paglabas, ni-hindi pa nga niya nakukuha ang order niyang kape. Nagmadali na akong lumabas dahil pinagtitinginan na kami, ako na parang nakakita ng multo, at siya na dikit nang dikit sa'kin. Tirik na ang araw sa harap ng cafe, pero ang pawis ko ay malamig. Para akong tumakbo sa bilis ng t***k ng puso ko. Ilang segundo siyang tahimik, habang ako ay hinihintay lang na magsalita siya nang hindi nililingon. Ang mga mata ko ay nakatutok lang sa sasakyan ko. Ayokong makita ang ekspresyon ng mukha niya, o kahit anong emosyon na mula sa kanya. Pagod na akong intindihin ang mga 'yon, ayaw ko nang bumuo ng istorya sa isip ko, tapos na 'ko ron at hindi na ako bata. Ngumiti ako at bahagyang tumaya. "Tingin ko naman wala akong kayang i

