Lemonsquare Habang naghihilamos ako sa isang batis dito sa kagubatan ay bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Kabang hindi ko tiyak kung ano ang nais na iparating sa akin. Kabang humantong upang ako'y mag-alala ng lubos sa taong naiwanan ko sa bahay. Bumuntong hininga ako at nanalangin sa Diyos na sana ay okay kang si tita Viscit sa kanyang tirahan. Gusto ko pa na maranasang muli ang kasungitan at pagkayamot nito sa akin. Kinakaban ako at natatakot pero kailangan kong patatagin ang sarili ko. Baka guni-guni ko lamang ang nakatatakot na pakiramdam na iyon at ayoko itong manatili pa sa isipan ko. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Spiderflow ay pinagpapahinga muna namin ito upang maghilom ang mga galos na natamo niya kanina sa labanan. Umakyat siya sa pinakamataas na puno at binalot ng sa

