Paglalahad ng Manunulat Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang labanan na nagaganap sa labas ng palasyo. Sa tulong ng pinagsama-samang puwersa ng kabutihan ay nagawa nitong mapuksa ang malakas na kadiliman. Samantala, hindi pa rin nawawala ang mga paruparong itim na sumusunod kila Lemonsquare. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang apat sa himpapawid at walang umiimik sa kanila. Gayundin ay sinusuyo pa rin ni Icer Hans si Lemonsquare at nakatayo lamang ito sa gilid habang pinagmamasdan ang ilaw na binigay ng mga Illdeers sa kanya. Hindi pa nagbabago ang kulay nito at alam niyang malayo pa ang kanilang kailangang lakbayin. Ang mga nilalang sa kaharian ay lubos ang pagsasalamat nang masaksihan nila na naubos na ang mga kalaban sa labas ng palasyo. Napagdesisyunan ng mahal na reyn

