Square 4: Ang Katas

2075 Words
Paglalahad ng Manunulat Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Lemonsquare at sinunod niya ang paliwanang ng mahiwagang Papaya. Dahan dahan itong lumapit sa puno. Kinakabahan at nanginginig na itinaas ang dalawang kamay. Buong husay na pinitaas ang mahiwagang Papaya. “Ahhh, sarap naman ng pagpitas mo,” bigkas ng Mahiwagang Papaya matapos itong mapitas mula sa puno. “Sipsipin mo na ang lahat ng katas ko upang makabalik na ako sa normal kong katauhan,” pakiusap nito. Sinunod Lemonsquare ang hiling ng mahiwagang papaya kahit hindi siya tiyak kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hinigop niya ang mga dagtan na magmumula dito. Dahan dahan niyang dinampi ang kaniyang mapupula at malambot na labi sa dulo ng mahigawang Papaya kung nasaan naroroon ang dagta. Puting puti ang mga dagta at tila kumukislap ito sa sobrang linis. Naramdaman ni Lemonsquare na malagkit ito ngunit napakatamis naman ng lasa. Sa una ay walang pagbabagong nagaganap, nang lumipas ang ilang sandali ay may kakaibang liwanag ang siyang bumalot sa Papaya. Nang dahil sa gulat ay naibalibag ito ni Lemonsquare sa kaniyang harapan ngunit hindi naman malayo ang narating nito.  Patuloy pa rin ang liwanag na bumabalot sa Mahiwagang Papaya at tumagal ito ng sampung minuto. Nang matapos ay inuluwa ang isang matipuno, makinis, maputi at matangkad na binatang walang saplot sa katawan na kahit isa. Para itong si Adan. Napahiyaw si Lemonsquare sa kaniyang nakita. Napakakisig ng nilalang na nasa harapan niya ngayon. Hindi niya alam ang gagawin ngunit nagtataka siya kung bakit nakikita niya ang wangis ng binata na sobrang liwanag kahit na napakadilim naman sa paligid. May ano ba sa kanya? Dahan dahang lumapit ang binata sa ating feeling magandang bida. Napatili si Lemonsquare ng sobra nang mapadako ang kaniyang paningin sa nakasaludo at malaking ano ng lalaki. Alam niyo na kung ano iyon. Huwag kayong itchusera! Hehe! Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mga mata gamit ang dalawang kamay habang patuloy pa rin sa pagtili. “Hoy, ikaw na ba ‘yan? Takpan mo naman 'yang nasa harapan mo, paki-usap lang!” tarantang saad ni Lemonsquare sa hubad na lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa kaniyang pang-ibaba at nagulat din ito sa nakita. Hindi niya naramdaman na nakasaludo pala ang kanyang mahaba at matabang armas. Nakakita siya sa gilid ng dahon ng Papaya at iyon ang kanyang ginamit pantakip sa kanyang harapan. “Oh ito, ayos na ako. May takip na ang pang-ibaba ko. Pasensya na sa nakita mo. Tanggalin mo na iyang takip ng mga mata mo,” sagot ng lalaki kay Lemonsquare. Apura pagtakip ng bakla sa mga mata niya, akala mo namang birhen talaga. Charot! Dahan dahang tinanggal ni Lemonsquare ang kamay niya sa kaniyang mga mata at nakita nito na may takip na nga ang hubad na prisipe kanina. Lumakad papalapit ang prinsipe sa kinalalagyan ni Lemonsquare. Nang makarating doon ay nagulat si Lemonsquare dahil lumuhod ito sa harapan niya at nagpasalamat sa tulong nito. Lemonsquare’s Sandaling POV “Tumayo ka nga diyan. Para kang others. Nakakahiya!” saad ko sa lalaking nasa aking harapan. Tumayo ito at shet mga bakla, ang guwapo niya talaga. Mukhang magwe-wet ng very very light ang lola niyo this night. Charot pero trot! Hahaha, eme! “Anong others?” nahihiyang tanong nito. Ngumisi siya matapos ay bahagyang nagkamot ng ulo. Nasilayan ko tuloy ang mga mapuputi niyang ngipin at dalawang malalim na biloy sa magkabilang niyang pisngi. Hindi ako makapaniwala na totoo nga na ang kaninang isang bunga ng Papaya ay isa na ngayong lalaki na tiyak akong kababaliwan ng lahat. Makinis ito, maputi, malaki ang katawan. May abs. Mabalbon pero sakto lang. Maninipis at mapupula ang labi. Makapal ang kilay. And omg, ang perfect niya para sa eyes ko. No, hindi ko ipapahalata na nagagwapuhan ako sa kaniya. Kahit gusto ko na magpa-angkin sa kanya. Emeee! Paglalahad ng Manunulat “So anong balak mo ngayon?” Binasag ni Lemonsquare ang kanyang pagkamangha sa itsura ng Prinsipe at nagbigay ng pang-umpisang tanong. “Nais kong bumalik sa aming kaharian at ibalik muli ang sigla at liwanag na inagaw dito sa napakatagal na panahon,” seryosong wika nito gamit ang malaking boses. Manly kung manly ganon, walang lambot. Kumunot ang noo ni Lemonsquare at may biglang pumasok sa isipan niya. Parang naiibigan niyang sumama sa lalaki sa gagawin nitong pagbalik sa kanilang kaharian. “Ha! Eh paano ka naman makakabalik sa inyo? Alam mo ba ang daan?" usisa ni Lemonquare dito. “Ayon nga ang nagpapasakit ng ulo ko. Hindi ko din alam kung paano makakabalik sa aming kaharian," nahihiyang sagot ng lalaki at napakamot ulit ito sa ulo, ulo sa itaas ano ba kayo. Ayan ha! Ang mga minds niyo, napaghahalataan tuloy kayo. Need i-wash ng holly water! Mahilig talaga siyang kumamot sa ulo niya sa itaas kapag nakakaramdam ng pagkahiya. “Ay iba ka din no! Hindi mo naman pala alam. Eh paano ka makakabalik niyan? Bahala ka nga diyan sa buhay mo!” taray tarayang wika ni Lemonsquare. Si bakla, bad mood. Hindi pa man nakakasagot ang lalaki ay nauna nang tumunog ang tiyan nito. Tanda na ang pagkatugom na nararamdaman niya. Nagpaparamdam na ang dragon sa kanyang tiyan. “Patawad,” paumanhin ng prinsipe dahil sa biglaang pagdighay ng kanyang tiyan.  “Naku ayos lang iyan. Nagugutom ka na ba?” “Ganon nga, labinsiyam na taon na kasi akong hindi nakakakain. Puwede bang ikaw nalang ang kainin ko?” tugon ng prinsipe kay Lemonsquare. Napailing si Lemonsquare sa naging sagot nito. At naisip niya na may dating din ang isang ‘to. Yung bastos na ang cute tignan. Hindi kagaya ng iba diyan. Nakakasuklam! Charot! “Labinsiyam talaga? Super tagal naman no’n, paano mo na kayang tiisin iyon?” usisa ni Lemonquare. Ngumiti naman at tumango ang prinsipe sa kanya. “Ah, alam ko na, sa puno lang siguro nanggagaling ang nutrients mo no?” “Tama ka diyan. Just like the Papaya Tree, I am full of nutrients,” paglilinaw ng lalaki matapos ay kumindat pa. Kinilig ng bahagya si Lemonsquare sa ginawa nito. Aminado siya na sobrang rupok niya kapag natipuhan niya ang isang lalaki. Para bang anytime ay nais niyang ibuka ang kanyang sisidlan at papasukin ang malaking biyaya ng Maykapal. Hindi na niya pansin ang oras at ang kaniyang pagod. Tila napawi ang mga ito nang masilayan ang kakisigang taglay ng isang matchong prinsipe. “Bongga non! Pero wait, maghanap muna tayo ng kakainin mo bago tayo mag-usap sa kung paano ka makakabalik sa kahiran niyo," mungkahi ni Lemonsquare dito. Tumango ang lalaki at nag-umpisa na silang maghanap ng pagkain sa kakahuyan. Agad ding may nakita si Lemonsquare na puno ng saging at pumitas siya ng ilang bunga nito. Nakakapawi naman ng kalam ng sikmura ang prutas ng saging kahit na papaano. Naupo sila sa ilalim ng puno at itinuro ni Lemonsquare sa lalaki kung paano kainin ng tama ang prutas. Habang kumakain silang dalawa ay nag-umpisa na ang dakilang pagiging chismosa ni Lemonsquare. “Sarap naman ng prutas na ito,” wika ng lalaki sa kakaibang prutas na tila wala sa kanilang kaharian. Napakunot ang noo ni Lemonsquare nang marinig iyon. “Iyan ba ang unang beses mo kumain ng prutas ng saging? Wala ba sa kaharian niyo ng prutas na ganiyan?” “Oo, ito ang unang beses kong nakakain ng ganitong uri ng prutas at ang sarap niya sa panlasa. Walang ganito sa aming kaharian dahil puro mahiwaga at kakaiba ang mga pagkain na iyong matatagpuan doon.” detalayong paliwanag ng lalaki. “Naku, sounds itchusera ka. Paano mo naman nalaman iyon? 'Di ba sabi mo ay simula nang pinanganak ka naging bunga ka na ng Papaya? Huwag ka ngang mag-imbento diyan. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig mo.” Nasisiyahan ang lalaki sa pagiging kalog ni Lemonsquare. Hindi na bago sa kanya ang kasarian na mayroon ito dahil maraming ganoon sa kaharian nila. Nagagalak siya dahil ang gaan ng loob niya dito at may nararamdaman siyang parang kakaiba kay Lemonsquare. At hindi niya pa matiyak at masabi kung ano ang kakaibang bagay na iyon. Ipinaliwanag ng prinsipe kay Lemonsquare na kahit naging Papaya siya agad simula nang pagkasilang pa lamang ay nakikita niya pa rin kung ano ang gaganap sa kanilang kaharian. May ipanamang kapangyarihan ang kaniyang Inang Reyna sa kanya upang lumaki ito na hindi naliligaw ng landas at malinawan sa kung ano talaga siya at ang pinagmulan niya. Kaya batid nito na isinumpa siya ng Diyosa. Ngunit ang nawala sa isip niya ay kung paano siya muling makakabalik sa kaharian nila. Lumalalim na ang gabi at nakaramdam ng pagkapagod si Lemonsquare dahil dito ay hindi na niya namalayan na nakatulog siya sa ilalim ng puno ng saging. Napansin agad iyon ng lalaki at kinuha nito ang ulo ni Lemonsquare upang ipatong kaniyang matigas na dibdib. Naol, gentleman, diba!? Charot! Batid ng lalaki ang kabutihang taglay ni Lemonsquare kung kaya’t susuklian niya din ito ng lubos na kabaitan. Ang gumugulo lang sa kaniya ay mga tanong na bakit ang lakas ng loob ni Lemonsquare na harapin ang kakaibang bagay at ang bukal ng puso nito upang tumulong. Pinagmamasdan niya ang kaamuhan ng mukha ni Lemonsquare. Napansin niya na mukha itong babae. Makinis at maputi ang balat. Matangos ang ilong. Mapula ang labi at higit sa lahat ay wala ito ni isang tagihawat sa mukha. Habang pinagmamasdan niya ang wangis ni Lemonsquare ay hindi naglaon, nilamon na din siya ng antok. Sa gitna ng pagpapahinga ng dalawa, doon ay nanaginip ang prinsipe. Nasa panaginip niya ang kanyang inang reyna at pinapaliwang nito kung paano siya muling makakabalik sa kanilang kaharian. “Ikaw ay magkakaroon ang isang paglalakbay. Hanapin mo ang dalawang hugis susong bundok at sa gitna nito ay iyong matatagpuan ang isang malalim na batis na may kulay berdeng tubig. Sisirin mo iyon, at hanapin mo ang lagusan papunta sa ating kaharian. Makikita mo mula roon ang dalawang Gay Guardians. Sila ang mga sirena na tagabantay ng lagusan. Matapos mong makatawid ay ihahatid ka dito sa palasyo ng Spermphies, ang ibong maykakayahang mag-anyong tao na kulay ginto. Magmadali ka't mag-ingat. Ikaw ang hinhintay na pag-asa ng mga mamamayan dito sa ating kaharian, Juenaks,” sambit ng Reyna sa anak nitong prinsipe sa kanyang panaginip na dala ay makatotohanang impormasyon. Juenaks ang tawag ng magulang na babae sa kanilang anak sa kaharian ng Leatel Wan Baebi Teatel Tuh. Samantalang, Sunsung naman ang tawag ng mga magulang na lalaki. Kinaumagahan ay, naalimpungatan ang prinsipe dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Idinilat niya ang kanyang mga mata at hindi nga siya nagkamali na binabalot na ng liwanag ang kapaligiran.  Naramdaman nito ang mabangong ulo na nakapatong sa kanyang mga dibdib.  Inalis niya ito sa maingat na paraan mula sa pagkakapatong upang makapaghanap ng panibagong saplot dahil lanta na ang dahon ng Papayang ginamit niya pantakip kagabi. Sinigurado niya na maayos ang pagkakalipat ng ulo ni Lemonsquare sa ibaba upang hindi ito maistorbo sa pagpapahinga. Tulog na tulog pa din ang bakla. Daig pa ang nakemper kagabi ng limang kabayo ih. Charot! Hanggang ngayon ay hindi pa din batid ng dalawang ito kung ano ang pangalan ng isa’t isa. Hindi na lumayo pa ang lalaki sa paghahanap at pumutol nalang ng dahon ng saging at itinali iyon sa kaniyang pang-ibaba. Batid niya ngayon kung paano siya makakabalik muli sa kanilang kaharian. Sa oras na magising si Lemonsquare ay magpapaalam siya dito bago tuluyang umpisahan ang kanyang paglalakbay. Nakaramdam ito ng lagkit sa katawan at naglakad-lakad upang maghanap ng batis o kahit anong anyong tubig na maaari niyang paghugasan. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay napansin niya ang isang kulay asul na balon. Lumakad siya papalapit roon upang linisan ang lagkit sa kanyang katawan ngunit bago siyang tuluyang magbasa ay inalis niya muna saglit ang dahon ng saging na nagsisilbing takip sa kanyang pang-ibaba. Sa kalagitnaan ng kanyang ginagawa ay natigilan siya dahil sa may biglang sumigaw sa kanyang likuran. “Sino kaaaaaaaaaaaaa?” Napalingon ito sa lakas ng boses ng babae naaabot hanggang sa kontinente ng North America. Charot lang syempre! Nakita niya ang isang babae na medyo mas matanda sa kanya na nakasuot ng dress na itim. May bitbitbit pa itong kobre at tabo. Sa tingin niya ay maliligo ito. Nang mapagtanto niyang nakahubad pala siya ay mabilis niyang kinuha ang dahon ng saging sa pinagbabaan niya upang ipangtakip sa kaniyang harapan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD