Square 2: BFF

1539 Words
"Hoy, isa isa lang ang tuhog ha! Kayo ang tutusukin ko ng stick kapag sumobra 'yan. May'CCTV ako dito mga shuta kayo kaya kitang kita ang mga bawat galaw ninyo," magiliw na paalala ni Lemonsquare sa mga customers niya ngayon dito sa Palengke. Humanap kasi siya ng pagkakakitaan at sa tulong ng Diyos ay nakahanap ito. Ang pagtitinda ng fishball, kickiam, at many many more. Ilang araw na din ang lumipas nang makita niya ang mahiwagang bunga ng Papaya at no comment nalang siya doon. Kinakailangan kasi niya na mag-ipon ng sapat na halaga dahil nais niyang bumalik sa eskuwelahan sa susunod na pasukan upang makapagtapos ng pag-aaral at makaranas ng maayos at masaganang buhay. Hapon na ng mga oras na ito, at medyo may kapaguran na ding narararamdaman ang baklita ngunit kagaya nga ng sinasabi niya madalas na, gora lang, lavan! Mahirap ang buhay at kailangan lamang lumaban. Kung hindi ka lalaban mas lalo lang maghihirap ang buhay na mayroon ka ngayon. Mano bang magsikap upang sa hinaharap ay makamtan ang bunga ng lahat ng pagod. "Sarap naman nitong sawsawan mo, pasawsaw nga din sa dyaan sa butas mo. Puwede ba, ganda?" pambibiro na may halong pambabatos ng isang lalaking matipuno kay Lemonsquare at kumindat pa ito. Wala ng bumibili at sila lamang dalawa ang tao ngayon. Lumarga na din kasi ang mga customers kanina. Natakot ata sa biro ni Lemonsquare na tutusukin sila kapag sumobra ang tuhog, hehe. Naulit ko pa tuloy. Lemonsquare "'Wag mong sirain ang araw ko ha! Kapag ganitong pagod na pagod ako makakatikim ka sa akin!" talak ko dito kay kuyang bastos. Hindi porket masarap siya e, eeksena na agad siya ng ganiyan! Papatikim na ako sa kanya kaso haler, kaunting pilit pa. Ganern! Hehehe, ihhhh. "Binibiro lang kita, uy! Tapang naman ng hiya mo," sagot ni kuya at parang nandidiri pa. Sinawsaw nito ang huling dalawang fishball na natitira sa stick. Matapos ay binaba ang bayad sa may patungan. Nagsalita pa ito bago siya lumarga na, hindi na daw siya bibili sa akin. Ang sagot ko sa kaniya ay go, hindi ko kailangan ng mga taong ganon no. Imberna, dear! Tapang daw ng hiya ko. Wow ha, alam mo namang binatos mo na ako ay matuwa pa ako sa iyo. Ganon naman kasi talaga sila, mahilig mang-iwan. Char! Malay ko naman bang nambibiro lang pala siya kanina, gora na sana ako sa offer niya kaso olats din pala e. Huhu. Sad na naman ni Bakla. "Gandaaa!!! Fresh pa sa mga hasang ng mga tinda kong isda oh!" sigaw ni Matet sa akin. Matapos ay hinampas ako ng very very light. Tumalsik  ako ng kaunti at muntikan nang mapirito ang aking kamay sa kumukulong mantika na nasa aking harapan. "Hayop ka! Pirituhin mo na din kaya ako!" medyo gigil kong ani. Tumawa ang bakla at nanghingi ng pasensya. Napalakas daw kasi ang hampas niya. Kumuha ito ng stick at nag-umpisa nang tumuhog ng hotdog na sobrang paborito daw niya. "Ayan ha, hilig sa hotdog!" pambibiro ko. Hindi ako pinapansin nito at patuloy lang sa pagsubo ng hotdog. Ayaw maagawan ng bakla. Feeling naman talaga ay may mang-aagaw ng hotdog na sinusubo niya ngayon. "Tapos ka na bang magtinda? Baka pagalitan ka ng amo mo, lande!” hindi talaga ito sumasagot at patuloy lamang sa pagsipsip ng katas ng hotdog. Cheese siguro ang sinisipsip niya. "Bakla, sumagot ka kaya hano!” mahina ko siyang hinampas at agaran niyang nalunok ng buong buo ang hotdog na nasa kamay niya. “Shuta ka!” inirapan ako nito at tumusok ulit ng hotdog. Yung totoo? Sino ba ang pinunta niya dito? Ako o yung hotdog? “Magbabayad ka ha!” paalala ko. Baka mamaya ay takasan pa ako nito at baka siya pa ang magawa kong fishball. Charot! Matapos kumain ni Matet ng limang kilong hotdog ay nagkuwento itong mga kung ano anong ganap sa buhay niya. Kesyo need niya daw talagang kumayod dahil may sakit parehas ang mga magulang niya. Siya na lamang pala ang bumubuhay sa kanyang pamilya dahil nabanggit nito na siya ang panganay na anak at ang dalawa pa niyang nakababatang kapatid ay nag-aaral pa sa elementarya at hayskul.  Minsan nga daw ay pumapasok sa isip niya na mag-asawa nalang upang takasan ang obligasyon ngunit ayaw niya daw na balang araw e, magkonsensya siya sa kung ano ang mangyayari sa pamilyang maiiwanan niya. Kaya hanggang ngayon ay nakaukit sa puso at nakatatak sa isip niya na patuloy siyang lalaban, magtatrabaho at magiging malakas upang pagsilbihan ang mga mahal niya sa buhay at ito ang pamilya niya. Naniniwala daw kasi siya na, ang Diyos ay may nilaan na maganda at masaganang buhay para sa mga nilikha nito. Hindi natin ito mararanasan kung hindi tayo lalaban sa buhay. Alangan naman na, nakaupo ka lang ay kusang babagsak sa iyo ang biyayang galing sa itaas. Hindi na uso sa ngayon ang kuwento ni Juan Tamad mga gurl. Kilos din minsan! Marami ding mga words of wisdom si Gurly Matet. Hindi lang halata dahil sa kalokahan niya. Ngunit kagaya nito na nakausap ko siya, nabatid ko ang lawak ng pag-iisip niya. Maraming alam sa mundo. Malaki ang ambag sa lipunan kahit hindi pa man ito nakapagtapos ng pag-aaral. Kuntento na daw siya na magkapagtapos ng pag-aaral ang kanyang dalawang nakababatang kapatid kahit hindi na siya. Masuwerte pa din siya kahit na ganoon kasi may pamilya pa siyang uuwian. Hindi kagaya ng sa akin. Hmmm…ayokong maging malungkot mga ses. Tigil ko na ang drama. Sobrang self-less nitong si Matet. Nananalig akong pagpapalain siya ng lubos ng Maykapal. Nabanggit na lamang ang ambag sa lipunan. Ako, naniniwala ako na hindi mo naman kailangan maging isang propesyonal upang makapagbigay ka ng kontribusyon sa bayan. Ang pagiging isang responsableng indibiduwal na may pakialam at respeto sa kapuwa niya nilikha ay magbibigay ng malaking balanse at kaayusan sa lipunan. Ilang oras din kaming nagkausap at ang dami kong natutunan sa kaniya, na tiyak kong magagamit ko sa buhay. Mas lalo akong naging motivated to achieve my dreams sa tulong ng mga aral na nakuha nito sa mga karanasan niya na ibinahagi sa akin. "I love you, Matet! Galing e!" matapos niyang magkwento ay niyakap ko siya ng sobrang warm. "Yiee, ikaw din kaya! BFF na haa!?" nakangiting saad nito. Tumango ako ng nakatingi at nagpaalam na siya na babalik na sa puwesto upang makapagsara na dahil sa madilim na din ang paligid at mukhang wala nang bibili pa. Ako naman ay iniayos ko na din ang aking mga paninda at niligpit ang mga gamit para maihatid ko na sa bahay nila Mobie. Yes, tama kayo kanila Mobie itong business at ako lang ang taga-tinda. Yes naman! Handa na sana akong maglakad pauwi ngunit may biglang bumusina sa gilid ko.  Nilingon ko kung sino iyon at nakita ko si Mobie na may dalang tricycle.             “Tara na!” inaya ako nito. Hindi na ako tumanggi pa at mabilis na tumalon sa loob ng tricycle upang agad na makasakay dahil baka maiwanan pa ako nito no! Nabanggit nito na pinapasundo pala ako ng Mama niya kaya siya nandito. Biniro pa ako na gusto niya daw ako, gustong sunduin. Ano ba kayo? Kung ano-ano ang pinag-iisip niyo! Bait talaga nitong si Mobie. Hindi talaga makakaila ang kaguwapuhan niyang taglay kahit anong i'suot niya. Pero ganon pala talaga ano, kapag hindi mo bet, wala e. Wow ha!  Ganda ba ako? Babae ka gurl? Charot! Basta, bestfriend lang ang feeling ko sa kanya. Mabilis din kaming nakarating sa kanilang tahanan. Bumaba ako at nilinis ang mga gamit ko sa pagtitinda matapos ay nilagay sa tamang lalagyan. Binigay ko na din kay tita RC ang mga napagbentahan ko ngayong araw. “Ah…uuwi na po ako tita,” pagpapaalam ko. “Mamaya ka na umuwi. Dito ka na kumain ng hapunan,” nakangiting alok ni tita sa akin. “Ay huwag na po, sa amin nalang po,” kahit sobra akong gutom ko ay masnananaig pa rin sa akin ang hiya. Pero want ko na talagang isumpak lahat ng pagkaing nasa lamesa nila. Ang sasarap! “May hiya ka pala no!? HAHAH, joke!” biglang pumasok ng kusina si Mobie. Alam kong biniburo lang ako nito. “Anak naman,” ani ni Tita Viscit dito at muling bumaling sa akin. “Oh, umupo ka na at huwag ng mahiya pa.” Sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumanggi pa at mabilis na kinain lahat ng pagkaing nasa lamesa upang wala na silang kainin pa. Charowtt! Sa hapunang ito ay napag-alaman kong na wala na palang ama si Mobie, at sila lang dalawa ni Tita ang nandito sa bahay. Si Mobie ang bunso at ang tatlong nakatatanda nitong kapatid ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho doon bilang mga propesyonal. Matagal ko nang ka'close si tita RC kaya sure akong napakabait nito. "Sige po, tita. Mauna na po ako. Salamat po ulit!" nakangiting pagpapaalam ko matapos ang pagkain at mga kuwentuhan. Hindi ko na kinuha pa ang alok ni Mobie na paghatid sa akin dahil nakakahiya na talaga ang kabaitan nila. Maglalakad na lamang ako, tutal naman e malapit lapit lang din ang bahay ni Tita Viscit mula sa dito. Mga 95 CM ganon, charr. HAHAHA!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD