Spiderflow Noong una ay ayoko pang tanggapin kung ano ang nakikita ko sa aking pangitain. Alam kong si Poohfly ang iniibig ni Spermphies at hindi ako. Ako na ang nagparaya. Ako na ang lumisan. Nakita kong hinabol pa ako kanina ni Mameyla pero napagdesisyunan kong maglaho na lamang. Nandito ako ngayon sa isang madilim na lugar sa tabing ilog. Tahimik ang lugar at nais ko ritong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Minsan lang ako umibig at hindi naman ito nagtagal kaagad. Mabuti na iyon. Hindi ko kayang hilumin ang sugat dito sa aking puso kung hindi ko ididistansiya ang sarili ko sa kanila. Wala akong sama ng loob sa pamilya ko. Ginawa ko lamang ito, dahil ito ang mabisang paraan na alam ko. “Gagambaaaa!!” Narinig ko na may sumigaw. Tumingin ako sa pinanggalin ng boses n

