RHEN POV Habang wala si Asnee doon ko lang narealize na ayaw ko syang mawala sa akin gusto ko lang na nandito siya kasama ko. I realized something noong niyakap ko si Rama at si Asnee. Magkaiba ang naramdaman ko sa kanila, kay Rama naramdaman ko yung warm, yung feeling kapag yakap-yakap sya parang may masasandalan ka. Importante sa akin si Rama, isa sya sa mga taong ayaw kong mawala sa buhay ko. At ibang iba ang pakiramdam ko nang yakapin ko si Asnee. Sa kanya ko naramdaman yung malakas na kabog ng dibdib ko at bumibigat ang bawat hininga ko pero kahit ganon nakaka-excite kada segundo na magkatabi at makalapat ang katawan namin. Masaya ako kapag kasama ko sya. At ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko, hindi na ako matatakot kung ano man ang kakahinatnan nito. Mas gusto ko pa syang

