PART 9

1400 Words
RHEN POV Nagkamalay ako mula sa aking pagkakatulog pero nanatili akong nakapikit ninanamnam ko pa ang pagkakalapat ng likod ko sa malambot na hinihigaan ko Wait wala akong matandaan na nakauwi ako ng bahay Nakaramdam ako ng parang may nakamasid sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, sa pagmulat ko ibang-iba ang mga gamit na meron dito kesa sa mga gamit na nasa bahay ko Nasaan na naman ba ako ngayon? "Buti naman at gising kana" Boses ng babae ang narinig ko at nagmumula ito sa may gilid ko, familiar sa akin ang boses nito Inihanda ko muna ang aking sarili baka kung ano nanaman na nilalang ang makita ko, dahan-dahan na ibinaling ko ang aking ulo papuntang kanan Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ko ang pinanggalingan ng boses naka-cross arm pa sya at matalim ang tingin nito sa akin Paano ako napunta sa kwarto ni rama? Bakit ako nandito kung pwede naman na doon ako sa tinitirahan ko dalahin "Bakit ako nandito?" Umalis na ako sa pagkakahiga ko sa kama baka isipin nya na masyado akong feel at home "So magaling kana nga? Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nandito, hindi mo ba maalala? Para kang tuko kung makakapit kaya no choice ako na dalahin ka dito" Feeling ko may nagawa akong masama pero hindi ko maalala kung ano, huli ko lang natatandaan ay nung nakipaglaban kami sa mga monster at nung gumawa si rama ng portal "Wala akong maalala, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari at ang aking nagawa kung meron man" "Alam mo naman na nalason ka ng pegny diba?" Hmm naalala ko nga iyon, sinabi nga rin nila ang maaaring mangyari kapag nadampian ka ng itim na usok non "Oo" "Pineste mo ang araw ko dahil yon ang naging epekto non sayo" May nagawa nga ako at galit sya dahil doon, eh anong magagawa ko kung pati ako hindi ko alam na yon na ginawa ko "Patawarin mo ako dala lang iyon ng lason hindi ko intensyon na gawin iyon syo" "Hindi mangyayari iyon kung hindi ka lang pabaya" "Ano ba ang aking ginawa sa iyo bakit sobra ang galit mo" "Kababae mong tao manyak ka" "What? Minanyak kita? Paano?" Kahit kailan hindi ko pa nagagawang mamanyak ng tao, nakakahiya sa aking nagawa "Oo, you always want to touch me, hug me, kahit ayuko ng ginagawa mo at lalong lalo hindi ko nagustuhan ang kapahangasan mo dahil sa pagnakaw mo ng halik sa akin" "Totoo ba yon? na kiss kita?" Hindi ako makapaniwala na manghahalik ako at sa babae pa "Muka ba akong nagbibiro?, Kailangan mong pagbayaran lahat ng ginawa mo" dahil sa nagalit sya muka tuloy akong naka-virgin, pareho naman kami nawalan ng first kiss ah kung yon ang una nyang halik "You want na panagutan kita?" "No! Tanga kaba?" Ouch maka-tanga naman to, kung may nagawa akong mali dapat na panagutan ko yon "Sabi mo kailangan kong pagbayaran lahat ng kamanyakan na ginawa ko sayo" "Yah, hindi pwede na ganon-ganon lang iyon kailangan mo talagang pagbayaran" "Kiss lang ba ang mas mabigat na nagawa ko? Hindi ba kita na-r**e?" "Patay kana sana ngayon kung ginawa mo yon" "Ops, so ano ang kailangan kung gawin? Magkano ba?" "Simple lang tutulungan mo ako na manguha na mga dahon at balat ng halaman" "Yon lang pala, easy, gusto mo panagutan pa kita" ___ "Seryuso ka? Dahon talaga ng punong ito ang kukunin ko, nakikita mo ba kung gaano kataas" kailangan kong umakyat sa punong ito para makakuha ng dahon nito yon ang utos sa akin ni rama "Oo, hindi ba sabi mo easy lang? So ano pa hinihintay mo akyat na" "Wait lang, akala ko mababa lang, tyaka hindi ako marunong umakyat sa puno" "Isipin mo kung ano yung ginawa mo sa akin, sa tingin mo ba madali lang para sa akin na tanggapin na pwedeng hawak-hawakan, yakapin at halikan" ni hindi ko nga maalala na ginawa ko talaga ang mga bagay na yon "Okey na aakyatin ko na, abangan mo na lang ako sa paglalaglagan ko okey" Lumapit ako sa puno na aakyatin ko, hinubad ko ang aking suot sa paa at nag-apak na lang ako, kinakabahan man ay nagumpisa na akong umakyat Kumakapit ako sa mga sanga-sanga, i wish na hindi mabali ang mga sanga na kinakapitan ko, ayukong malaglag pati na nga paa ko kumakapit na din Tumuntong ako sa isang sanga habang nakakapit naman ako sa isa pang sanga na mataas sa tinutungtungan ko, inaabot ko ang maliliit na sanga na may mga dahon kapag nakuha ko na, sa ibang sanga naman ako lilipat, kapag na putol ko ilalaglag ko ito at si rama na ang bahalang pumulot ng mga iyon. Sumasakit na ang kamay ko dahil sa kakahawak ko sa mga sanga pero kahit ganon ipinagpatuloy ko parin ang pangunguha gumagawa din ako ng iba pang teknik para hindi mahulog "Tama na ito" rinig kung sigaw mula sa ibaba, mabuti naman kumikirot na talaga palad ko Bumalik na ako sa malaking katawan ng puno Dahan-dahan na akong bumaba nasa kalagitnaan ako ng pagbaba ko ng dumulas ang paa ko Yari! Nakabitaw ako sa pagkakahawak ko sa puno Magagalit na naman si rama sa akin naging pabaya na naman ako Iniintay ko nalang ang paglapat ng katawan ko sa lupa na babagsakan ko Pumikit ako ng hindi ko makita kung saan ako babagsak Ngunit malambot na bagay ang aking nabagsakan sa halip na matigas na lupa Masakit ang aking likod dahil sa impact ng pagkalaglag ko Iminulat ko ang aking mata mga mayayabong na dahon ng mga puno at ang kulay asul na kalangitan ang aking nakikita Naramdaman ko ang paggalaw ng aking hinihigaan agad akong bumangon at tumayo Lumingon ako sa pinagbagsakan ko at tiningnan kung anong meron dito Nagulat pa ako ng si rama ang nakahiga doon at naka pikit ito, ang pagkagulat ko ay napalitan ng takot Shit baka kung napaano na si rama "Kaya mo bang pagaling sarili mo?" Hindi ito sumagot "Akala ko ba hindi ka agad-agad nasusugatan o napapa-ano?" Hindi pa din ito kumikibo Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito dapat may gawin ako Kinuha ko muna ang mga dahon at yung iba pa nyang mga gamit saka ko sya pineggyback, mabuti nalang hindi sya ganong kabigatan, sakto lang para hindi ako mahirapan na kargahin sya Nag-start na akong maglakad pa uwi mabuti na lang kabisado ko ang daan kahit paano Ang ikinatatakot ko baka may makasalubong kami na mga monster habang pauwi kami "Sana kaya kong magkaroon ng powers na kagaya ng sayo kayang gumawa ng portal para mabilis tayong makakauwi Para hindi din ako mapagod kakabuhat sayo, ang layo-layo kaya nito tapos buhat kita, masakit pa din likod ko gawa nong kanina" "Pasensya na talaga sa nangyari hindi talaga yon sinasadya, kahit nga ako hindi ko yon nagustuhan, kung nasa katinuan ako non hindi ko naman gagawin yon sayo" Salita lang ako ng salita kahit wala akong kausap walang malay itong kasama ko eh, para lang hindi ako maboryo sa paglalakad ko Minsan kumakanta pa ako at naka-ilan ako ng kinanta Tumingin ako sa paligid at natatanaw ko na ang bahay namin, malapit na ito sa kinaroroonan namin Inayos ko ang pagkarga ko kay rama baka kasi mahulog pa ito Patuloy lang ako sa paglakad mas binilisan ko pa para makarating na kami agad Hay salamat nakarating na din kami, sa bahay ni chun liang ko dadalahin si rama baka may alam ito sa kondisyon nya ngayon "Ang sarap palang i-piggyback" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni rama sa likod ko, naramdaman ko na ang pagbaba ni rama Kaya agad akong napatingin dito Ngunit sa paglingon ko isang nakakalokong ngiti ang aking nakita mula sa kanya "What? Niloloko mo lang pala ako akala ko kung napaano kana kaya sayang lang ang pag-aalala ko sa iyo" "Hoy ang sakit lang din kaya ng pagkabagsak mo sa akin, tumama kaya ang siko mo sa may bandang dibdib ko, hindi agad ako makahinga dahil don" Tumingin lang ako sa kanya "Ito pala ang mga gamit mo" iniabot ko na sa kanya mga gamit nya "Okey magpahinga ka pa bukas dahil sasamahan mo uli ako" "Huh? Akala ko ba ngayon lang" " Akala mo lang yon" Wala na akong nagawa ng umalis na sya at bumalik na sa bahay nya Samantalang ako ito nakatayo habang nakatingin sa pagalis ni rama ***************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD