Kasalukuyan akong tinuturuan ni de kaa ng mga Martial art na alam nya, arnis ang una nyang itinuro sa akin, itinuro nya sa akin ang tamang posisyon ng pagpalo, ang dali tingnan pero kapag ikaw na ang gagawa ang hirap nito
Nangangalay na ang braso ko kakapalo
"Time out muna, ang sakit na ng kamay ko"
"Okey sige madali ka naman matuto, napapansin ko nga ang bilis mo magaya ang mga moves ko"
"Really?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya
"Oo, likas lang talaga sayo na madaling matuto, kaya lang dagdagan mo pa ang lakas mo sa pagpalo" para syang guro na nagbibigay ng komento sa grade ng studyante nya
"Sige, master De kaa"
"Master de kaa?" napakunot ang noo nito
"Hindi ba't master ang tawag sa mga guro sa martial arts"
"Dami mong alam, tara na tapos na ang iyong pagpapahinga"
"What? Wala pa ngang 3 minutes, wait lang may tanong pa ako paano nyo nalaman ang powers nyo?"
"Kusa itong lumalabas, bata pa lang ako nung lumabas na ang powers ko, mayroon pagkasilang palang may powers na, mayroon din na hindi agad malalaman pero bigla nalang lumalabas sa takdang oras magugulat ka nalang may powers kana at mayroon din na dinadahan-dahan kalang "
"Okey na ba? Madami ka pang pagaaralan"
"Marunong ka bang gumamit ng g*n?" Tanong ko sa kanya
"g*n?" Napakunot uli ang noo nito, parang hindi nya naiintindihan ang sinabi ko
"b***l"
"b***l? g*n?, Ngayon ko lang narinig ang mga salita na yon"
"Isa iyong nakakamatay na sandata sa mundo namin"
"Wala yon dito, bakit mo naitanong? paano ba iyon gamitin?"
"Hindi ako marunong gumamit, kailangan ko lang matuto non, yong nagagawa nito ay kayang patamaan ng bala ang target nito kapag itinutok mo ito sa kanya kahit nasa malayo man o nasa malapit"
"Parang paggamit ng pana?"
"Oo, wait lang kukunin ko lang" mabilis akong tumakbo papunta sa bahay na tinutuluyan ko
Kinuha ko ang bag na may lamang b***l ni papa, binuksan ko ito at kinuha ang laman at may nalaglag na litrato ni papa kasama ang b***l na ito, hay namiss ko bigla sya,tiningnan ko ang likod ng picture at may nakasulat dito na 'My MP7' siguro ang tinutukoy na ay ang uri ng b***l na ito
Bumalik din ako agad kay Master De kaa dala ang MP7 ni papa
"Ang astig naman ng sandata na iyan" may pagkamangha sa tono ng boses nya, umupo ako sa pinagpwestuhan ko kanina
" Kailangang kalabitin ang trigger nito para magrelease ng bala" tinuturo ko sa kanya ang mga parte sa b***l na sinasabi ko
"Alam mo pala kung paano gamitin bakit kailangan mo pang turuan?"
"Yong mga bagay lang na iyon ang alam ko, yung iba hindi na, pati nga pag sipat hindi ako marunong"
"Sa bagay na yon si Rama ang makakatulong sayo, para matutunan kung paano sumipat" mukang nakakatakot kung si rama magtuturo sa akin muka pa namang masungit yon
"Mag-umpisa na tayo ng pagpapraktis"
Binaba ko muna ang b***l at saka ko Kinuha ang stick na nasa tabi saka ako tumayo, lumakad ako sa posisyon ko katapat si master de kaa
At sinimulan na nyang ihampas sa akin ang gamit nyang stick, maagap ko naman na iniharang ang isa kong hawak na stick habang yung stick sa kabila kong kamay ay ipinalo ko din sa kanya
"Wala na bang ilalakas yang palo mo? gamitin mo ang lakas mo"
Muli nya uli akong pinalo at ngayon ay hindi ko nasalag at tumama ito sa braso ko, nalaglag din ang hawak kong stick
"Ah" feeling ko mapuputol ang braso ko
"Mangyayari at mangyayari ang bagay na ito kaya dapat ka nang masanay na masaktan at masugatan"
Kahit masakit ay pinilit kong pulutin ang arnis stick na ginagamit ko saka umayos ng posisyon.
"Wala sa vocabulary ko ang sumuko" ako na ang unang sumugod kay master De kaa.
Ilang mga palo at salag ang ginawa namin sa aking pageensayo may pagkakataon pa na nalalaglag din ang isa nyang stick ngunit kahit isa nalang stick nya hindi ko pa din magawa na matamaan sya.
"Yan nakukuha mo na ang tinuturo ko kahit sa maikling oras lang parang hindi ka baguhan"
"Di ko din alam kong paano ko nagagawa iyon, siguro ay sadyang skills ko iyon"
"Tama na muna yan, kumain muna kayo" napatingin ako sa nagsalita at si chun liang ito.
"tama na muna ang ensayo rhen, kumain na muna tayo ng madagdagan ang lakas mo"
Tumango na lang ako kay master De kaa at tumingin kay chun liang na nakangiti sa amin
Nagsilakad na kami papunta sa may mga bangkong semento, at naabutan namin na nakaupo doon si rama na hinintay kami
Pagkadating namin doon ay imupo na kami katabi ko si chun liang, sa harap namin si Master De kaa tapos sa gilid ni Chun liang si Rama
"Kamusta ang pageensayo nyo?" Tanong ni Chun liang
"Ayos lang kahit masakit ang katawan" sagot ko dito
"Mabilis syang matuto, nagagaya pa nga nya ang mga moves ko"
"Ginagawa ko lang naman ang itinuturo ni master"
"Master?" Tanong ni chun liang, napailing nalang si master de kaa, samantalang seryuso lang na nakatingin sa amin si Rama
"Para daw akong guro sa martial arts kaya iyon ang itinawag nya sa akin" si master de kaa na ang sumagot sa tanong ni chun liang
"Hahahaha pwede ba din kitang tawaging master" sa sobrang pagtawa nito ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit
"Subukan mo lang chun liang sasamain ka sa akin" may pagbabanta sa boses nito
"Dapat na ba akong matakot master" muling wika ni chun liang
Mayamaya pa ay nagulat ako sa nasaksihan ko, naramdaman ko na lang ang hangin na sumagi sa likod ko, ang kaninang nasa harap namin na si master ay mabilis na nakalipat sa likod ni chun liang, ngunit ng tingnan ni master ay para nyang kinakalaban ang sarili niya at hirap ito sa paggalaw
"Tama na yan, kumain na kayo" saway ni Rama sa dalawa, naagaw ang atensyon ko sa dalawa at sa kanya ako napatingin, nakatungo ito habang kumakain
Naramdaman ko na ulit ang mabilis na hangin sa likod ko at nasa harapan na uli si master
"Okey ka lang rhen"
"Yes, nagulat lang ako"
"Masasanay ka din"
——
Matapos namin kumain ay heto nakaupo pa din
"Ang sunod mong pagaaralan ay kenjutsu pero stick pa din ang gagamitin mo dahil masyado pang delikado para sayo kung katana agad ang gagamitin mo at si chun liang ang magtuturo sayo dahil mas magaling sya sa paggamit non"
"Excited na ako para bukas" hinawakan pa ni chun liang ang aking kamay
"Ako din" nung sinabi ko iyon mas lalong naghalimuyak ang amoy nya at
Biglang gumalaw ang katawan ko at yumakap kay chun liang whatda F, bakit kusang kumikilos ng kanya ang katawan ko. Hala baka magalit sa akin si chun liang dahil sa niyakap ko sya, my gosh may kung anong elemento ata sa paligid namin
Mayamaya pa ay bumitaw na ang katawan ko sa pagkakayakap
"Sorry hindi ko intensyon na yakapin ka may kung ano lang ata na kumontrol sa katawan ko para yakapin ka, may masama atang elemento na pumasok dito"
Wala naman pakialam sina master de kaa at rama sa naganap sa amin
"Okey lang naman yakapin ako walang problema sa akin, at walang ibang makakapasok dito dahil sa may proteksyon kami na inilagay dito na kahit pa ang may pinakamalakas na powers hindi makakapasok" nakangiti lang sa akin si chun liang habang sinasabi nya ang mga katagang iyon
"Balik na tayo sa pageensayo mo rhen"
"Okey"
Tumayo na kami at lumakad pabalik sa area kung saan kami nageensayo kanina