KILLER 2

1720 Words
KILLER 2 ༻─────── ·☠· ───────༺ Napaka bulok ng sistema. Nakapalumbaba ako sa isang bench sa field. Nag-iisip ako ng paraan kung paano mahuhuli ang killer. Alam kong delikado pero desidido na ako masiyado ng maraming namamatay gusto ko rin naman tumulong sa mga Pulis pero hindi ko pa alam kung paanong paraan pero pinag-iisipan ko na. Paano ba naman kasi? Hindi na naman nahuli ang pumapatay, pesteng mga security 'yan. Hindi ko alam pero parang may mali, parang may pinagtatakpan, parang may inililigtas sa mga kasong ito, pero sino? Saka nakakapagtaka na sa dami ng nangyari ay hindi pa napapasara ang paaralang ito? "What's the problem of my beautiful wife?" Halos mapatalon ako sa gulat nang dumungaw si Luther mula sa likuran ko. Pinanuod ko siyang umupo sa bakanteng pwesto sa tabi ko. Pumalumbaba siya saka tinitigan ako. Sumulyap ako sa kanya. "Wala naman Luther, iniisip ko lang 'yong mga nangyari nitong mga nakaraan buwan." Hinimas niya ang likuran ko. "Don't think too much huh, hayaan na natin ang mga pulisya na magsulosyan diyan," seryosong sabi niya. Napailing ako at napa-ismid. "Iyon na nga Hubby, pansin mo parang walang update sa mga kaso? Ano gano'n-gano'n lang iyon? Hindi ba nagrereklamo ang mga magulang ng—" Kinagat ko ang ibabang labi. "N-Namatay?" Luther wrapped his arm around my waist. Hindi na ako nag-abalang alisin iyon. "Maybe they are doing their job, wife. I will ask my Ninong the update, okay? Don't think too much." Ngumiti siya saka bahagyang pinisil ang bilbil ko sa tagiliran. Hinawi ko ang kamay niya pero natawa lang siya. "Hindi ko lang talaga maiwasan mag-isip Luther, nakakatakot na rin," pag-aamin ko sa kaniya. "I-Ikaw hindi ka ba natatakot?" Tipid siyang ngumiti. "Natatakot." "Oh 'di ba! Nakakatakot na talaga, ang dami na ngang hindi pumapasok e. Hays, ewan ko ba . . . Teka, bakit ka nandito? Tapos na ba ang klase mo, hindi ba may subject ka ngayon?" takang tanong ko sa kanya dahil alam ko ang schedule niya. Bakit nandito 'to? Sumimangot naman siya. "Don't you miss me, wife?" parang batang usal niya kaya napangiti naman ako. "Namiss pero mas kailangan mong pumasok. Sige na pumasok ka na magkikita pa naman tayo mamaya," pagpilit ko sa kanya, narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya. "Okay, wait for me huh? Hahatid kita pauwi." Napipilitang sabi niya halatang bagot na bagot. Ngumiti siya sa akin at inipit ang ilang buhok ko na tumatabing sa aking pisngi at inilagay iyon sa likod ng tainga. "Do you know how beautiful you are, wife? Inside and out." Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya, jusmiyo katanghalian tapat pinapakilig ako. "I want to stay here with you. I won't let those fuckers ogling you," madiin wika niya. Kinikilig ako habang nakatingin sa mga mata niya pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya, baka mamaya lumaki pa ang ulo niya, ulo sa itaas. "I love you, Luther," wala na akong nasabi, mabilis ko siyang hinalikan sa labi saka luminga-linga dahil baka may makakita sa amin. Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay naka-ngisi na siya dahil sa ginawa ko. Wala naman na akong pakielam kung may tumitingin sa amin. Wala namn akong dapat ikahiya pero nasa loob kami ng paaralan. "I love you too wife, damn so much! Parang ayoko na talaga pumasok uwi na tayo," wika niya at kumindat pa sinapak ko naman siya sa braso dahil alam ko na 'yan. "Ikaw! Pumasok ka na do'n!" kunwaring naiinis na sabi ko pero ang baliw ay tinawanan lang ako. "Oo na po papasok na. Pakiss muna ako dali," sabi niya at ngumuso, kinurot ko naman ang labi niya. "Luther ang harot, tama na 'yan baka bago ka makarating sa klase mo tapos na!" Inirapan ko pa siya, alam ko na mga style niyang ganyan, nagpapatagal para lalo siyang ma-late. "Iyon nga gusto kong mangyari e," bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumatawa naman siyang tumayo, mabilis niya akong hinalikan sa buhok bago naglakad palayo. Minsan naiisip ko, bakit biniyayaan ako ni Lord ng isang lalaking sobrang magmahal, as in. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para biyayaan ako ng ganoon lalaki, basta ang alam ko ay mahal niya ako at mahal ko siya sobra. Siya 'yong tipo ng lalaking masungit sa iba pero malambing sa akin. Sa dalawang taon namin ay kahit kailan ay hindi pa siya nagtaas ng boses o pinagbuhatan ako ng kamay. Hindi rin kami 'yong break at balikan. Wala naman kasing dahilan para hiwalayan ko siya, hindi rin naman siya babaero wala akong nabalitaan o nakita na may nilalandi siyang ibang babae bukod sa akin. Ang bait talaga niya. Lumipas ang isa't kalahating oras kaya paniguradong tapos na ang klase nila Luther, nanatili ako sa bench at naghihintay. Wala ang iba namin Professor, nasa meeting ata kaya malaya kami. Napatigil ako sa pag-iisip nang may bolang tumama sa ulo ko kaya halos napatumba ako sa kinakaupuan ko. "Aray!" sigaw ko at hinihimas-himas ang ulo ko. Ang sakit tangina naman, feeling ko inuntog ako sa pader at umiikot ang paningin ko, literal. "Tatanga-tanga kasi!" wika ng babae. Tiningnan ko silang magkakaibigan sa tingin ko silang tatlo ang bumato sa akin ng bola. Mga hitad! "Ako pa tanga? Ikaw 'tong bumabato basket ball 'yan hindi baseball," singhal ko sa kanya, akala ata ring ang ulo ko. Tumayo na ako at sinamaan sila ng tingin. Tumatawa-tawa pa sila kaya nangigigil ako lalo, sinadya ata nila. Hindi ko naman sila inaano ha? "Ang sama mong tumingin bakit papalag ka?" tanong ng isang babae 'yung may pekeng kilay. "Tigilan niyo, ako hindi ako papatol sa level niyo," walang ganang sabi ko at akmang tatalikod na ng hawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko. Hindi ko alam anong eksena na naman 'to? Ano ba gusto ng mga 'to? Tahimik akong nakaupo kanina, busy ako sa pagda-day dream. "Bitawan niyo ko!" sigaw ko pilit inaagaw ang kamay ko nang may isang palad na tumama sa pisngi ko. "Ang yabang mo, porket boyfriend mo si Luther akala mo kung sino ka ha!" sigaw niya. Napapikit ako nang mariin dahil masakit 'yon, nang dumilat ako ay gano'n na lang ang aking gulat nang makita kung sino ang nasa likod ng babaeng sumampal sa akin. Si Luther at mga kaibigan niya. Masama na ang timpla niya at nagtitiim-bagang habang nakakuyom ang mga kamao, galit siya. I know my Luther can't hit a woman. Naglakad siya papalapit sa amin nabitawan naman ako ng dalawang may hawak sa akin dahil nakita na nila si Luther. Tumabi sa gilid ang tatlong babae ng tingnan sila nang masama ni Luther, hindi ako makapagsalita nang lapitan niya ako at hawakan ang magkabila kong pisngi animong sinusuri ang aking buong mukha. Napatigil siya sa pisngi kong alam kong mapula na, kita ko ang panga niya na gumalaw, bumigat din ang paghinga niya animong pinipilit kumalma. Hinihimas niya ng hinlalaki ang pisngi ko at dinampian iyon ng mga halik na animong tinatanggal ang pula doon. Parang may humaplos sa puso ko sa mga kilos niya. "Still hurt wife?" tanong niya ng may pag-alala ang boses pero blanko naman ang kanyang mukha. Ngumiti ako at umiling. Humarap siya sa tatlong babae. "You have five minutes to run." Iyon lang ang narinig kong sabi niya at hinila na niya ako papunta sa mga kaibigan niya na nakahalukipkip sa isang gilid. "Kayo ng bahala," ani Luther at tumango lang ang mga kaibigan niya at ngumisi. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko habang pumunta kami sa isang kwarto. "I'm sorry wife, nasaktan ka tuloy dapat talaga hindi na ako pumasok eh," sabi niya at halata ko sa boses niya ang pagkainis. Niyakap ko rin siya pabalik. "Don't be sorry hubby wala ka naman kasalanan, mga baliw lang ata 'yong mga babae na 'yon, may gusto ata sa'yo 'yong isa," sabi ko. Bumuntong-hininga naman siya at tiningnan ako sa mata. "I love you, always remember that. Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita April kahit sinong babae walang papalit sa'yo," sabi niya bago ako hinalikan sa labi. Hindi naman ako nagdalawang isip na gantihan siya ng halik. Humigpit ang hawak niya sa beywang ko at pinatong ko naman ang kamay ko sa balikat niya. Habol namin ang hininga nang matapos ang isang matamis na halik. "Sweet," aniya at ngumiti nang magkatamis-tamis, napangiti rin tuloy ako. Hinamas niya ang buhok ko. "Stay here wife, I forgot something in my locker, I'll be back. Okay?" mahinahong sabi niya. "Oh, sige bilisan mo ha?" wika ko. "Yup. Wife just wait here, okay?" Nakangiting tumango siya saka mabilis na umalis. Isang minuto na ang nakalipas ay hindi ako mapakali kaya lumabas ako at sinundan siya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa boyfriend ko pero may pakiramdam akong hindi maganda ngayon. Dahan-dahan akong naglakad, napatigil ako nang may lumabas sa isang classroom na lalaking naka-itim 'yong katulad ng nakitang kong pumatay kay Lea. Napa-atras ako. Akala ko ay pupuntahan niya ako pero tumakbo siya papunta sa kabilang direksyon. Napatulala sandali sa sobrang kaba bago tumakbo para sundan siya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko habang hinahabol siya kahit hindi ko alam kung saan na siya pumunta. Kailangan kong makita kung sino iyon, kailangan siyang mahuli. Tumakbo ako nang tumakbo habang palinga-linga nang may nabunggo akong isang matigas na bagay, matutumba na sana ako pero may humapit sa aking beywang upang alalayan ako. Napasinghap ako at napataas ang tingin sa nakabungguan ko. Luther... "Oh, you missed me that fast? Hinanap mo na ako agad wife?" tanong niya at unti-unting tumaas ang labi. Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. "Tsk. Feeling mo naman may hinahabol ako Luther," sabi ko at tumingin-tingin sa paligid pero wala na 'yong lalaking naka-hood na itim. "Dapat na ba akong magselos?" tanong niya. Inismidan ko siya. Humigpit ang yakap ni Luther sa aking beywang, ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko at animong sinisinghot-singhot pa ang amoy ko. "Ang bango ng asawa ko," bulong niya at dinadampi-dampian pa ng mga halik ang leeg ko. "Tsk mag-tigil ka Luther," banta ko sa kaniya at itinulak siya ulit. "Wife I wont let them hurt you again. I will protect my love, no one messes with my Queen. Mga putang ina nila!" ________________ SaviorKitty
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD