K I L L E R 11 ༻─────── ·☠· ───────༺ "OMG this is it!" bulalas ko habang tumalon-talon pa nang iabot sa akin ng classmate kong si Yuri ang isang ticket sa paborito kong boyband na Xwild. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang saya, nanlalamig din ang kamay ko. "Iyan ha April nakipaglaban ako d'yan para makuha 'yang VIP ticket na 'yan." Niyakap ko siya kaagad dahil sa sobrang tuwa. "Salamat Yuri," sineserong ani ko. Wala naman akong sobrang ka-close na kaibigan or 'yong sinasabing bestfriend pero malapit din naman ako sa iilang classmate ko. Bukod kasi kila Luther ay sila na ang nakakasama ko rito sa school. Nagpabili ako sa kanila ng ticket dahil hindi ako nakasama sa kanila nang isang araw dahil nilagnat ako. Sa makalawa na 'yong concert, sasama ako sa kanila dahil mga adik

