Nagmadali akong habulin si Ate Cadence, hindi ko pa siya nakikitang ganoon ka galit. Sina Kuya naman ay hinayaan na lang ako. Dapat ba na hindi ako pumunta dito? My sister walked away. Hindi din siya sinundan ni Kuya Stan siguro alam niyang oras naming dalawa ito. Narinig ko si Lorcan na pinapakalma ang mga guests, si Carmen naman ay iniwan ko muna saglit. "Ate?" Pumameywang si Ate Cadence bago ako harapin. She's still fuming mad I can sense it. Yumuko muna ako bago siya kausapin. "S-Sorry Ate.. Kasalanan ko." Masusi niya akong tinignan, lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. "It's not your fault Justine." Aniya. "Pero si Chloe.. Muntik ko ng mapahamak yung bata. Dapat ay hindi ko na lang siya pinatulan." Naguiguilty kong sabi. Ngumi

