Nanlamig ako. Nanlamig ako at hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Carmen. "Justine? Uy? Hay nako. Kaya ayoko sabihin sayo kasi magkakaganyan ka ehh." "Anong kinalaman ni Sevhire sa pagkakahimatay ni Chloe?" Tanong ko sa kanya. Matagal siyang sumagot, naririnig ko lang yung paghinga niya sa kabilang linya. "I d-don't know. Pinuntahan daw ni Chloe si Sevhire sa office niya because they're really busy fixing the case of Catherine. Alam mo naman trabaho ni Sevhire diba? Sa isang kompanya nila, related sa mga NBI." Tumango tango ako. Kaya ba dalawang linggo nita ako hindi kinakausap? Dahil lang ba doon? Kaya ba ni ha, ni ho, wala? Nagpaalam na si Carmen sa akin dahil may tinatapos daw siyang paper works at may Thesis siya. "Oh ano daw?" Ani Derek sa

