Nagsuot ako ng off shoulders na damit at jeans, mas komportable ako sa suot ko nito at sa Molino naman kami pupunta. Kasama ko si Kuya KD dahil si Kuya Traveon daw ay busy sa kanyang 'girlfriend' Minsan na nga lang ako umuwi at inaatupag naman ang kanyang 'girlfriend.' "Where do you want to eat?" Tanong ni Kuya KD sa akin. 'Tong si Kuya mukhang pagkain. "Mamaya na, tingin muna tayo dito." Namiss ko kasi 'tong mall na ito. Ito ata ang madalas na pinupuntahan naming magkakapatid noon. Bukod kasi na ito lang malapit ay maganda at malaki pa. Sinundan lang ako ni Kuya kung saan ako nagpupupunta. Just like the old times, una kong pinuntahan ay ang mga tinda sa mga tali at ipit. Kinuha ko ang isang clip na may ribbon at sinukat iyon sa akin. "Mag twenty kana ay isip ba

