Malawak ang isipan kong nakatingin lang sa labas ng sasakyan, nandito ako sa sasakyan ni Sevhire. Sa sobrang pag-iyak ko kanina ay napagdesisyunan niyang dito ako patahanin. Kusang pumikit ang mga mata ko habang naaamoy ang pamilyar na pabango ng kanyang sasakyan.. kasabay non ay ang pag-alala ko nang nakaraan. "Naalala mo?" Wala sa loob na sabi ko sa kanya. Dinig ko ang kanyang pagbuntong hininga at ang paghawak niya sa manibela. "Oo." Ani Sevhire. We were in the car when the most shittiest thing happened. It was our monthsary, akala ko kaya niya ako gustong makita ay may inihanda siya sa akin. Babae ako, normal sa akin ang mag assume. By that time, alam na nina Ate at Kuya ang relasyon namin pero sinekreto pa rin namin iyon. "Hindi mo ako hinabol." Wika ko sa kany

