Nandito ako ngayon sa Tree house na niregalo sa akin ni Sevhire, tinawagan ko si Kuya KD at sinabing na kina Carmen ako, kinuntsamba ko na rin si Carmen. Yes, I lied. I just want to be alone and think. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung nasa bahay ako. What happened earlier was seriously shocking and unbelievable. Never in a million years na makita ko ang aking sarili na nakikipag sagutan at murahan sa mga kaibigan ko. Lahat sila. Even Greg and Trent, lahat sila ay nabago na ang tingin sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at humiga sa kama. Pinilit kong burahin ang mga alaala namin ni Kiana, but I can't do it. I want to but I can't do it. Gagraduate na nga kami't lahat lahat pero ito pa rin. Dahil sa kababawan ay nasira kaming dalawa. Nilingon ko ang aking cellp

