( Noelle )
Isang mabilis na halik sa labi ang iniwan ng binata sa akin bago kagat sa labi na tinitigan ako. Tumayo ito at nagpamaywang sa harapan ko.
"Nakaligtas ka na naman."
Namula ako sa sinabi niya.
Hustisya naman. Bakit ang hot naman ng hubadero na ito?
Ngumisi ito. Hindi ako nagsalita. Tinakpan ko lamang ang sariling katawan nang kumot dahil sa kahihiyan kahit kanina pa naman iyon natatakpan. Itinaas ko pa iyon hanggang sa kalahati ng mukha ko.
Ngayon na iniisip ko ang kakaibang nangyare sa amin kani-kanina lang parang gusto kong lumubog sa kinaroroonan ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko magawang tagalan ang kakaibang mga titig nito.
Shakz! Muntik na talaga.
"Stay here. Huwag kang lalabas kahit na ano ang marinig mo.", bigla naging seryoso ang mga tinig nito kaya't nilingon ko itong muli.
Na-curious ako kung sino ba ang nasa labas.
Nawala bigla ang kuryosidad ko at nakailang lunok nang laway nang tumalikod ito, tumampad sa akin ang malapad nitong likod. Kinuha niya ang t-shirt nitong nakasabit lamang sa paanan nitong kama niya. Nagtaas ito nang mga braso at talaga namang infernes sa hubadero na ito nagpe-flex ang mga muscles kapag gumagalaw ang mga braso.
Napakagat labi ako habang hindi maialis ang mga mata sa masarap na katawan ng binata. Napairap ako nang tuluyan na itong nakapagsuot nang damit at lumingon sa gawi ko.
Sayang!
Narinig ko ang masarap sa pandinig na tawa nito. Hindi siya sobrang lagong pero buong-buo ang boses nito na nakaka-akit. Napa-angat ang tingin ko sa mukha nito at mabilis na napaiwas muli nang tingin.
Nahuli ako, shuta! Pinagnanasaan ko ba ang binata?
Oo, at nakanganga ka pa.
Sarap makipag-away sa sarili ko.
"Later, baby."
Kumindat pa ito bago nakangiting lumabas ng kwarto.
Para naman akong tanga na marahas na napabuga ng hangin matapos isara ng binata ang pinto ng kwarto. Hindi ko napansin na pinipigil ko na pala ang aking hininga.
Later daw. Shutangina! Ano na ang gagawin ko?
Gusto kong sabunutan ang sarili. Nagpagulong-gulong ako sa higaan at inginudngod ang mukha sa unan saka ako tumili.
"Wala ka talagang galang na bata ka! Where is your manners?"
Nagulat ako sa malakas at galit na sigaw nang boses lalake sa labas nitong kwarto. Napabangon ako bigla.
"What do you want?"
Sagot naman ng binata na naulinigan kong parang walang gana makipag-usap.
"Sino kaya iyong kausap niya?"
Napatakbo ako sa pinto at idinikit ang tainga doon.
Ang isang tulad kong marites hindi matitigil makinig kapag nakakaintriga ang usapan.
"Ganyan mo ba talaga tratuhin ang ama mo? Kailan mo ba ipakikilala sa akin ang magiging manugang ko?"
Shakz! Tatay pala ni Daver ang naririto.
"I don't have plan for that, dad."
"But you're not getting any younger Daver at tumatanda na rin ako. Gusto ko nang magkaroon ng mga apo sa iyo."
Omaygad! Naghahanap na nang manugang at apo ang tatay ng hubadero na ito. Pagbibigyan ko na ba si Daver? Shutangina!
Wala akong narinig na sagot sa binata kaya naman lalong napakunot ang noo ko at mas lalong idinikit ang tainga sa pinto.
"Dahil pa rin ba ito kay Selena?"
"What about her?"
"Dahil sa kaniya naging ganyan ka."
"Nagpapahinga ako dad tapos puro walang kuwentang bagay lang pala ang sasabihin mo."
Sino si Selena?
Naintriga ako. Ex ba ito ng binata?
"Kung wala kang maipakikilala sa akin---."
"Wala akong plano dad, umuwi ka na. Gabing -gabi na iyan lang pala ang ipinunta mo dito."
"Pinalalayas mo na ako. Wala ka talagang kaamor-amor sa tatay mong bata ka."
"Dad, not now, okay? Pagod ako."
"Puro ka trabaho. Paano ako magkakaapo?"
Nakarinig ako ng mga yabang kaya naman nataranta ako. Mabilis akong tumakbo nang nakatingkayad papunta sa kama.
Wala na akong ibang narinig. Ilang minuto rin ako sa kama na nakahiga at nakatalukbong ang mukha ng kumot bago ko narinig ang pagbukas ng pinto at pagsara nitong muli.
"You can sleep here, sa couch na lang ako."
Napabangon ako ng marinig ko iyon. Nabingi lamang ba ako o sadyang mabait ngayon ang binata?
Tinanggal ko ang kumot sa pagkakatalukbong sa mukha ko at bumangon sa pagkakahiga saka umupo.
Nakapagtataka naman.
Natikman lang ang katas ko naging mabait na.
Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa itinatakbo ng isip ko.
Katas? Saan galing 'yon Noelle?
Sabagay gentleman naman talaga ang binata madalas lang masungit pero mabait ngunit mas naging mabait yata ito ngayon.
Ngunit bakit seryoso yata ito masyado ngayon. Wala ring bakas na nagbibiro ito nang pumunta ito sa isa sa mga kabinet nito at kumuha ng kumot at unan.
"T-teka!"
Napalingon ito sa akin with his super sungit aura.
"What?"
Bumalik na naman sa pagiging masungit mood ito. Samantalang kanina sinabi pa nitong 'Later baby.' Bakit hinihintay ko ba? Napa-rolled eyes na lang ako.
"Ako na lang sa sopa. Ikaw na rito sa kama mo."
Nakakahiya naman kasi kung ito pa ang mahihiga sa sopa tapos ako sa kama niya.
Tatayo na sana ako kaso iniwasan lamang ako nito ng tingin at muling tumingin sa kabinet.
"No need. D'yan ka na, huwag kang makulit."
Aba't. Makulit daw ako? Nahihiya lang naman ako. Tumayo ako ng tuluyan sa kama at inalis ang kumot sa sarili. Naglakad na ako sa ibabaw nang kama habang nakatingin pa rin sa binata na nakatingin nang muli sa akin. Nakita ko ang matitiim nitong titig at makailang beses na napalunok.
"Are you trying to seduce me?"
Natigilan ako sa sinabi nito. Like huh? Ano daw? Kinunutan ko lamang ito ng noo.
"Cause you're not wearing anything beside with that sexy bra of yours and your sexy panty."
Napababa naman ang tingin ko sa aking sariling katawan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Shutangina!!! Bobo mo naman Noelle.
Nagmadali akong bumalik sa pagkaka-upo at tinakpan muli ang sarili gamit ang kumot. Hindi na ako makatingin ng diretso rito at nagtalukbong na lamang.
Narinig ko itong tumawa. Napakasarap talaga sa pandinig ng tawa nito.
Nakakahiya!!!
Tama ang binata dahil wala nga akong ibang suot kung hindi ang panty at bra ko lamang. Hindi ko kasi makita ang dress ko kanina na hinagis ng binata sa kung saan.
"You're so cute.", masaya pa rin na turan nito habang manaka-nakang tumatawa. "Dito ka na matulog dahil panigurado hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili ko kapag nakatabi kita."
Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Daver. Edi huwag kang magpigil.
Napapa-rolled eyes ako sa mga iniisip ko. Ewan nagiging malandutay ako kapag ang binata ang nakikita ko kahit nga isipin man lang ang binata.
"By the way."
Natinig ko pang sambit muli ng binata ngunit huminto ito kaya naman unti-unti kong ibinaba ang kumot hanggang sa kalahati ng mukha ko. Mata lamang ang nakikita sa akin. Nakita ko pa ang nakangiting mga mata ng binata habang nakatingin sa akin.
Ang gwapo talaga ng binata lalo na ngayon na nakikita ko siyang nakangiti.
"Marunong ka na humalik ngayon kumpara noong una. Good job, baby.", anito at kinindatan pa ako.
Napatalukbong akong muli dahil sa sinabi ng binata.
Shakz! Alam pala ng binata na hindi ako marunong humalik. Nakakahiya!!!
Narinig ko na lamang ang pagbukas at sara ng pinto, indikasyon na lumabas na ang binata nang kuwarto.
Ibig sabihin ba noon hindi na iniisip ng binata na isa lamang akong prostitute at nagsasabi ako nang totoo na hindi ako ganoong isang babae.
Napangiti ako bigla at... kinilig.
Nagtalukbong akong muli ng kumot at hindi mapigilan na magpagulong-gulong habang nakangiti na parang baliw.