POV JOEY Sa paglapit sa akin ni Enzo subra na ako kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin dahil pakiramdam ko mukhang naamoy niya na ang lihim ko. " Alam mo ang werdo mo talaga Joey, ano ba gagawin mo diyan?" Tila interesadong tanong ni Enzo at mas lumapit pa siya sa akin kaya mabilis akong umiwas kasi matutunaw na ako sa mga tingin niya. "Ahhm- wala naman po ako gagawin Boss, sige po matutulog na ako" Saad ko at dahan-dahan akong humakbang palayo sa kanya ngunit hinarangan niya ako. " Bukas ng umaga mag asikaso ka dahil may transaksyon tayo sa palawan kaya iwasan mo yang mga kalokohan mo" Seryosong pagkakasabi ni Enzo at pigil na talaga ang pag hinga ko ng mga sandaling iyon. Akala ko naman kasi kung ano na sasabihin niya. Nagtungo na ako sa kwarto ko at doon ko na bin

